^

PSN Showbiz

Pamilya ng actor natuwa sa break-up nila ng aktres!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mahal na mahal ng kanyang pamilya ang isang male personality kaya lahat ng gusto niya ay tinatanggap na rin ng kanyang mga mahal sa buhay. Siya na lang ang tinitingnan ng mga ito.

Kahit kontra sila sa nagiging karelasyon ng male personality ay sige na rin, para sa kanya ay kayang tiisin ng kanyang pamilya ang lahat, sukdulang ayaw na ayaw ng mga ito sa kanyang girlfriend.

“Pinag-aaralan nilang magustuhan ang girl kahit pa malakas ang kutob nila na hindi maganda ang ugali ng babae. Kahit pa maldita ang girl, kahit pa akala mo kung sino kung umarte, kine-carry na lang ‘yun ng family niya.

“Para wala nang argumento, para wala nang problema, tinatanggap na lang nila ang ugali ng girlfriend ng guy,” simulang kuwento ng aming source.

Nu’ng minsan daw na mag-dinner sa labas ang pamilya ay inimbitahan nila siyempre ang girlfriend ng aktor. Alas-siyete ang usapan pero alas-nuwebe na ay wala pa ang girl.

“Natural, gutom na gutom na sila, hindi pa mai-serve ang food dahil wala pa nga ang bisita nila. Kailangan nga namang mainit pa ang food, hindi mukhang tira-tira na lang, kaya wait pa rin sila kay ____(pangalan ng female personality).

“Tinatawagan ng guy ang babae, oo naman nang oo, darating na raw siya. Pero alas-nuwebe y medya na, e, wala pa rin ang girl, kaya kumain na sila. Alangan nga namang iasa nila ang gutom nila sa babaeng ‘yun!

“Dumating din sa wakas ang girl, ten o’clock na, kumakain na ang buong pamilya. Pero naging civil pa rin sa kanya ang lahat, pinagserbisyuhan pa siya ng food, inestima siyang mabuti.

“Aba, ang hitad na babae, nagmaldita pa! Nanghahaba ang nguso niya sa pagsimangot na para bang ang pamilya pa ang mali sa paghihintay sa kanya! Inis na inis sa kanya ang pamilya ng hunk actor.

“Mabuti nga at nagkahiwalay na sila, matindi na rin ang inis sa kanya ng mga biyenan niyang hilaw, parang puputok na sila dahil sa kamalditahan ng babae!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mapayapang paglalakbay Tita Angge…

Pumanaw na ang kilalang manager ng mga artista na si Cornelia “Angge” Lee. Huwebes nang gabi binawian ng buhay si Tita Angge na halos isang taon nang “natutulog.”

Nagsimulang maging bahagi ng lokal na aliwan si Tita Angge bilang tagahanga ni Ricky Belmonte. Tindera siya ng kamatis nu’n sa Paco Market pero pagkatapos niyang magtinda ay nagpupunta siya sa set ng ginagawang pelikula ng namayapa niyang idolo.

Nakasama namin si Tita Angge sa Movie Magazine, ang unang talk show na ginawa namin para sa Lobo Productions, siya ang aming talent coordinator at floor director na rin.

Bibung-bibo siya, malakas sumigaw, kaya maraming natatakot sa kanya. Pero sa tunay na buhay ay mapagmahal siyang anak at kapatid. May sustento sa kanya ang nanay niya, dinadala pa niya ito sa parlor, tinutulungan din ni Tita Angge ang kanyang mga kapatid para sa pag-aaral ng kanyang mga pamangkin.

May dalawang itinuturing na anak si Tita Angge, si Imelda ang mas kilala namin, nang magkasakit na siya ay sinuklian ng mga ito ang kanyang kabutihan.

Minsan ay may nagtanong kay Imelda kung hindi pa ba nito isusuko ang kundisyon ng kanyang ina-inahan, napakatagal nang comatose ni Tita Angge, markado ang isinagot ni Imelda.

Hanggang sa kahuli-hulihang sandali ay ipaglalaban pa rin nila si Tita Angge, kahit maubos pa ang lahat-lahat ng kanyang naipon at naipundar, dahil siya naman ang nagpakahirap sa kung anumang meron sila ngayon.

Isa si Sylvia Sanchez sa mga alaga ni Tita Angge na hindi nagpabaya sa kanyang kalagayan. Masusing tinutukan ng magaling na aktres ang kundisyon ng kanyang manager.

Magkakasama na ngayon sa kabilang buhay ang magkakakontemporaryo at magkakaibigang sina Tita Angge, Ate Luds, Kuya Ike at Kuya Germs.

At magkikita na uli sila ng kanyang idolong si Ricky Belmonte. Ang taos-puso po naming pakikiramay sa lahat ng mga iniwan ni Tita Angge.

Isang payapang paglalakbay…

 

vuukle comment

CORNELIA “ANGGE” LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with