^

PSN Showbiz

Kris sariling gastos ang show sa GMA?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Sunday evening daw eere sa GMA-7 ang programa ni Kris Aquino na siya mismo ang producer ayon sa isang source kahapon.

Yup. Blocktimer umano sa GMA-7 ang nasabing travel show ni Kris at ookopahin nito ang  slot ng SNBO (Sunday Night Box Office) na umeere ng 10:45 p.m. kaya aabutin pa nito ang prog­rama ng dati niyang ‘asawang’ si Vice Ganda, Gandang Gabi Vice, ayon pa sa source.

So may tapatang magaganap kung saka-sakali?

Once a week lang umano ang nasabing programa ni Kris na nag-taping na kahapon. Wala lang binanggit ang source kung ano’ng final title pero base sa mga post ni Kris, Trip ni Kris ang hashtag na ginamit niya.

As blocktimer, ang TV host ang in charge sa buong production na ang estimate cost ng kausap ko kahapon ay P2 million per episode.

Walang kinukumpirma si Kris sa kanyang mga post sa Instagram account niya tungkol sa programa sa GMA pero reliable ang source at marami siyang alam sa nasabing show ni Kris na inaasahang bubuhay sa kanyang namamahingang TV career matapos magpaalam sa ABS-CBN.

Maine iisa ang birthday wish

Hindi makapaniwala ang ilang fans na naka-intimate sit-down dinner nila ang idol nilang si Maine Mendoza sa isang exclusive, fine dining restaurant. Bahagi ang nasa­bing date ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino promo, ang top-selling tocino sa bansa, bilang pasasalamat  sa loyal consumers.

Naging very memorable nga ang date ng top twenty winners na mula sa Luzon at Mindanao kung saan, bukod sa napakasarap na French Mediterranean dinner sa Lemuria Garden Restaurant, hindi nawala ang espesyal na putahe ng CDO Funtastyk Tocino na may kasamang pineapple, brie at shallots.

Bukod doon, nabigyan din sila ng pagkakataon na makasama at makausap ang Dubsmash Queen at siyempre may photo session pa. 

Naiparamdam naman ni Maine sa 20 winners kung gaano siya ka-proud at kasaya na makilala at makasama ang mga ito.  “Proud na proud ako sa kanilang lahat,” sabi ni Maine na nag-celebrate ng birthday kahapon.

Ngayong araw siya magkakaroon ng big celebration sa Eat Bulaga.

Eh ano naman ang birthday wish niya?

“Success lang po ng Destined (to be Yours). ‘Yun lang, sana tuloy-tuloy lang po kung ano ang meron,” sabi ni Maine.

Eh bakit sabi nila, nagbago na siya?

“Hindi pa rin. Wala pong pagbabago. Mas maganda siguro tanungin niyo sila, pero ako po wala talaga, walang pagbabago,” sabi pa ni Maine.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with