^

Bansa

NIA chief nagbitiw

Angie dela Cruz, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbitiw bilang National Irrigation Administration (NIA) chief ang campaign spokesman ni Pangulong Duterte na si Peter Laviña epektibo kamakalawa.

Sa official facebook page ni Administrator Lavina, madamdaming sinabi nito na lilisanin niya ang puwesto dahil sa hindi na makayanang paninira sa kanya ng ilang tao at pag-aakusa sa kanya na nanghihingi ng pera sa mga contractor ng NIA.

Binigyang diin nito na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya at sa katunayan nga anya ay ginagawa niya ang lahat para isulong ang reporma sa ahensiya na magbibigay ng malaking pakinabang sa mga magsasaka sa bansa.

Ginawa niya anya ang pagbibitiw sa puwesto upang hindi mapahiya ang Pangulong Duterte at ang NIA. Niliwanag niyang wala naman siyang interest sa ahensiya.

Pinasalamatan din ni Laviña si Pangulong Duterte dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya nito.

Si Laviña ay naitalaga ni Pangulong Duterte bilang NIA administrator noong Nobyembre 2016.

Itinanggi naman ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr. na sinibak ni Pangulong Duterte si Lavina bagkus ay nagsumite ito ng kanyang resignation noong nakaraang linggo at epektibo nitong Pebrero 28.

Itinalaga naman bilang officer in charge ng NIA si Lavina ay si Estrella Icasiano.

Nagsilbi si Lavina bilang campaign spokesman ni Duterte noong presidential campaign at matagal na nagsilbi bilang aide ni Duterte bago naging konsehal ng Davao City.

Pero sa speech ni Pangulong Duterte noong Feb. 24 sa Davao City ay sinabi nitong may isang taga-Davao ang kanyang sinibak dahil sa alingasngas na nasangkot ito sa corruption pero hindi niya pinangalanan.

 

vuukle comment

LEONCIO EVASCO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with