^

Bansa

Death penalty bill lusot na sa 2nd reading ng House

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pasado na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 4727 o an Act imposing death penalty on drug related crimes.

Ang pangunahing may akda ng nasabing panukala ay si House Speaker Pantaleon Alvarez at inaasahang ipapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Marso 15.

Sa ilalim ng inaprubahang substitute bill ipapataw ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay, firing squad at lethal injection para lamang sa mga drug related offenses.

Nakasaad din sa panukala na ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa isang taong nagkasala kapag mababa sa 18 taong gulang ng gawin ang krimen at lagpas sa 70 taong gulang.

Sa ilalim din ng panukala ay parusang reclusion perpetua to death at multang P500,000 hanggang P10 million ang ipapataw sa mapapatunayang nag-import, nagbenta, trade, administer, dispense, deliver, distri­bute, transit o transport ng anumang uri ng dangerous drugs.

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with