^

Police Metro

2 totoy nalunod sa quarry site

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang batang lalaking magkaibigan ang nasawi matapos na malunod sa 14 talampakang lalim ng tubig ulan sa isang quarry site sa bayan ng Anilao, Iloilo nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Khian Bezardo, 10 taong gulang at kaibigan nitong si Aljie Genderba, 9 anyos; pawang residente ng Brgy. Ca­g-an sa bayang ito.

Sa ulat ng Iloilo Police, naitala ang insidente dakong alas-6 ng gabi matapos na magkatuwaan ang dalawang biktima na maligo sa quarry site sa Brgy. Cag-an ng bayang ito.

Bago ito ay pinaalis pa ng guwardiya sa quarry site ang dalawang batang nagbibisikleta dahilan sa magta­takipsilim na pasado alas–5 ng hapon.

Gayunman, lingid sa kaalaman ng guwardiya ay nagtago lamang ang dalawang bata sa bunton ng mga graba  sa lugar at nang makaalis ito ay saka naman nagtalunan ang mga ito sa tubig sa quarry site.

Habang nagpapatrulya ay nakita ng guwardiya ang bisikleta ng dalawang bata na inihatid nito sa magulang ng isa sa mga biktima kung saan kinabahan ang ama ng isa sa mga bata na agad napasugod sa quarry site at dito’y nakita ang lumulutang  sa tubig na tsinelas ng mga ito.

vuukle comment

KHIAN BEZARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with