^

Police Metro

Field trip tragedy sa Tanay iimbestigahan ng Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - IIMBESTIGAHAN ng Senado ang nangyaring malagim na aksidente sa Tanay, Rizal kamakalawa kung saan 14 katao ang namatay na karamihan ay mga estudyante.

Sa privilege speech kahapon ni Senator Vicente “Tito” Sotto III, sinabi nito na sa kabila ng mga nangyayaring sisihan, hindi nasisilip kung sino ang nagbigay ng sertipikasyon kaugnay sa “road worthiness” ng mga naaksidenteng sasakyan.

Iginiit ni Sotto na palagi na lamang sinisisi ang pagkawala ng preno pero hindi nasisilip kung nararapat pa bang bumiyahe sa mga lansangan ang mga sasakyang nasasangkot sa aksidente.

Nauna rito, iginiit din ni Senator Bam Aquino, chairman ng Senate committee on education na dapat tingnan kung anong mga reporma ang dapat gawin upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyanteng sumasali sa mga aktibidades sa labas ng eskuwelahan.

“Mahalaga pong maimbestigahan natin, nang malaman ho natin kung ano po yung mag repormang kailangang gawin upang mas maging safe yung ating mga out-of-school activities para sa ating mga kabataan,” ani Aquino.

Maging si Senator Grace Poe, chair ng Senate committee on public services ay nagbabalak na maghain ng resolusyon upang tingnan ang pagbibigay ng mga permits sa mga drivers ng mga commercial buses.

Gusto ring malaman ni Poe kung ano ang mga safety features na mayroon ngayon na wala sa mga luma ng buses na mahigit na sa 10 taong ginagamit.

Ang imbestigasyon ay gagawin ng Senate committee on public services at committee on education.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with