^

Krema

Krema (120)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PINASADAHAN ni Lex ng palo ang lalaki. Tinamaan ito sa mukha at katawan. Napaluhod kaya binanatan niya uli sa katawan hanggang malugmok na. Hindi na makakilos dahil sa mga tama.

Pagkaraan ay binalingan ni Lex si Dang na nakalupagi sa sahig. Hindi ito makakilos dahil nakatali ang kamay at paa.

“Ngayon sino ang bakla?” tanong niya kay Dang. “Sino ang bakla?’’

“Ikaw! Pakawalan mo ako, hayop ka. Kapag nakawala ako rito, kawawa ka Lex. Tandaan mo ang sinabi ko. Hindi basta ang kinalaban mong sindikato.’’

“Hindi ka na makakawala pa Dang dahil dadalhin na kita sa barangay para doon ka ikulong. Tapos na ang sindikato n’yo. Kayo ang mga salot sa barangay na ito!”

Nagtawa si Dang. Parang baliw na ang babae.

“Papatayin kita Lex kapag nakawala ako. Hindi kita titirahan kahit kaunting hininga.’’

“Puro ka dakdak!”

At pagkasabi niyon ay binitbit at kinaladkad palabas si Dang.

“Bitiwan mo ako hayop! Hayop ka Lex! Bakla ka! Pati babae nilalabanan mo.’’

Pero wala nang naririnig si Lex. Kinaladkad niya si Dang at nagkasabit-sabit ang katawan habang inilalabas sa bahay. Nang mailabas, isinakay niya ito sa kariton na panghakot ng niyog at itinali roon. Kinuha ang alagang kalabaw sa di-kalayuan at iyon ang ginamit para mahila ang kariton na kinasasakyan ni Dang.

Pero bago niya ibiniyahe si Dang, isang kartolinang puti ang sinulatan niya. DRUG PUSHER AKO! Nilagay niya sa ibabaw ng katawan ni Dang.

“Pakawalan mo ako hayop! Pakawalan mo ako!’’ sabi ni Dang na nagpipiglas habang nakatali sa gitna ng kariton.

Hindi natinag si Lex at dinala na si Dang sa barangay.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with