^

Punto Mo

Basilan tapunan ng makasalanan?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

HINDI nagustuhan ng mga taga-Basilan ang ginawang tapunan ng police scalawags ang probinsiya nila dahil, pinagmistula raw na impiyerno ang probinsiya nila na destinasyon ng mga makasalanan at demonyo ng lipunan. Claro di ba?

Ayon sa mga taga-Basilan, ang  mga pulis na sangkot sa  bisyo ng droga, iligal na sugal at criminal synsicated groups na naging batik at  nakasira sa institusyon ng PNP ay dapat na sinibak na kaagad para hindi na maging masamang impluwensiya sa mga darating na baguhang mga pulis. Nagbabala na si Mayor Digong sa kanila pero, marami talagang matitigas ang ulo kaya, ayon sa mga kritiko, dapat sinibak na lamang sa tungkulin at hindi na sana inilipat lang sa ibang probinsiya tulad ng Basilan. Wala nga namang kasiguruhan na marereporma sila sa ganoong paraan bagkus, baka lalo pa silang maburyong at maghuramentado dahil sa sama ng loob at lalong makaragdag sa problema ng bansa.

Ang  mga rebelde na namumugad sa kabundukan na sanay sa extotion at kidnapping ang haharapin ng mga scalawags na pulis na ang iba ay sangkot din sa kaparehong krimen. Kaya nag-aalala  ang mamamayan at mga negosyante sa Basilan,  na baka magkaroon lang ng friendly competition  o korporasyon ang mga rebelde at police scalawags na maaring makakaragdag pa ng sakit ng ulo sa gobyerno, imbes na makatulong.

Kapana-panabik ang  magiging komprontasyon ng magkabilang grupo pero, mas marami ang nag-aalala na mga disenteng mga taga Mindanao, dahil imbes na mabawasan  ay naragdagan pa  ang mga kriminal na gagala sa bayan nila.  Aray ko!

Ano kaya ang kapanapanabik na mangyayari  sa enkuwentro ng mga police scalawags at mga rebeldeng grupo ng NPA at Abu Sayyaf sa kabundukan? Abangan  natin kung sino sa kanila ang may malakas na impluwensiya -- ang may prinsipyo ba o ang pasimuno ng bisyo?  Abangan!

BAKAS sa UNTv Radio 1350 KHz AM Band Sabado 5:00-7:00 p.m. www.untvradio.com.ph

 

vuukle comment

BASILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with