^

Pang Movies

Newscaster puro lang ganda, ‘di marunong magbasa!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Palpak ang newsreader sa pagbabasa sa prompter ng news program na kinabibilangan last weekend. Hindi lang isa kundi dalawang beses pumalpak sa pagbasa ang newsreader.

Eh, isang news item lang naman ang ibinabalita pero dalawang beses siyang sumablay. Mali na nga ang basa sa mga salita, mali pa rin sa paghinto/pauses, huh!

Maganda nga ang mukha pero kung palpak namang magbasa, wag na lang isalang, huh!

Pia umamin nang buntis sa edad na 42

Umamin na si Pia Guanio na buntis na siya sa pangalawang anak kay Steeve Mago, huh! Ipinagmalaki ng Eat Bulaga host ang ultra sound ng second baby niya sa kanyang Instagram account kahapon.

Umeklay pa si Pia nang una siyang biniro ni Joey de Leon na buntis siya. Eh, finally, kinumpirma na niya ito.

Sinabi ng TV host na isa ang pagkakaroon ng baby sa dalawang Valentine gift na binigay ng asawa. Una, isa painting at second, ang baby.

Forty two years old na si Pia ngayon. Hu­mabol pa talaga siya, huh!

Direktor ng Pwera Usog kalkulado ang pananakot

Unang sabak sa horror movie ni Direk Jason Paul Laxamana sa Pwera Usog ng Regal Entertainment.

Ang bongga sa director, storyteller din siya kaya naman bawat pelikulang ginagawa, panalo sa panlasa ng tao at mga kritiko.

Ilan sa memorable films ni Direk Jason ay ang Magkakabaung, Babagwa, The Third Party at Love Is Blind.

Bida sa Puwera Usog sina Sofia Andres, Joseph Marco, Albie Casino, Devon Seron, Charise Castro at Kiko Estrada.

Challenge raw sa paggawa ng horror ‘yung dapat maging precise ang direction, shots at timing.

“Kasi dapat may proper build up bago mo execute ang moments of horror. Paano mo gugulatin o tatakutin ang mga taong marami nang nakikitang horror movies sa video o internet?” text sa amin ni Direk Paul.

Sa movie, rebelasyon sa kanya si Devon dahil hindi pa siya masyadong familiar sa acting niya unlike Sofia na napanood na niya ang ilang auditions.

Dream come true naman para sa kanya na maidirek si Eula Valdes na para sa kanya ay isang terrific actress.

vuukle comment

NEWSCASTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with