^

Pang Movies

Fans ni Maine nagbantang kakalas na sa AlDub!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Matapos ma-confine sa Asian Hospital, okay na si Alden Richards ngayon base na rin sa kanyang Twitter post.

“By GOD’s grace I am healed. Thank you Lord and thank you for the prayers po,” post ni Alden sa kanyang Twitter account.

Nagkasakit si Alden (pabalik-balik ang kanyang Tonsilitis) dahil na rin marahil sa pabagu-bagong klima at sobrang pagod na rin.

Pero ultimo pagkakasakit ni Alden ay nagkaroon pa ng intriga dahil may tsikang nagtatampo raw at nagseselos ang AlDub Nation dahil Aldenatics lang daw ang pinayagang dumalaw sa hospital.

May tsikang hindi raw patas ang pagtrato ni Alden sa kanilang fans at hindi naman nasunod ang STRICTLY NO VISITORS ALLOWED.

Maging ang personal manager ni Alden na si Carlites De Guzman ay bina-bash na rin dahil ito umano ang nagbigay ng pahintulot na makapasok ang karamihan sa Aldenatics.

Kaya naman hindi na napigilan ni Alden na sumagot sa kanyang Facebook account at nakiusap na huwag nang palakihin pa ang mga bagay-bagay.

Bilang pahabol ay nilinaw ng aktor ang tungkol sa issue ng pagpapasok ng bisita.

“P.S. Wala pong nakakapasok ng walang consent so kapag nakapasok meron pong consent,” he wrote.

Pero heto na, pagkatapos mag-post ni Alden ng nasabing mga pahayag, ang latest tsika naman ay hindi diumano nagustuhan ng AlDub nation ang shout out ng Pambansang Bae.

Ang dating ay kinakampihan niya ang Aldenatics. Nagbanta pa sila na aalis na sila sa AlDub Nation.

Susmaryosep, lalong lumaki tuloy.

May nakausap kami from Alden’s camp na nagpaliwanag na hindi naman daw ipinagtatanggol ni Alden ang Aldenatics dahil ang totoo, walang fans na nakapasok sa kuwarto niya.

Ni anino ng mga fans ay hindi raw nakita ni Alden at wala ngang alam ang aktor na may mga fans na nagpunta.

“Ang nakapasok lang ay managers niya, handler sa GMA artists at malalapit na kamag-anak. Ang  fans ay nasa lobby lang sa baba samantalang nasa 8th floor ang room ni Alden,” pahayag ng aming source.

Ipinatawag ni Alden ang mga manager para maayos ang kanyang schedule at mga commitment na hindi niya mapupuntahan.

At higit sa lahat, nilinaw ng source namin na walang pinapasok si Carlites sa kuwarto ni Alden dahil alam naman daw nitong bawal tumanggap ng dalaw.

Kaya pakiusap ng kampo ni Alden, huwag maniwala ang AlDub Nation sa mga tsismis at gawa-gawa ng ilang fans para magkagulo at magkatampuhan.

Phillip not guilty sa swindling

Sa wakas ay natapos na rin at natuldukan ang kasong Other Forms of Swindling na isinampa ng negosyanteng si Cristina Decena laban sa dating karelasyong si Phillip Salvador mahigit sampung taon na ang nakararaan.

Kahapon ng umaga, Feb. 20 ay nagkaroon na ng desisyon si Judge Ma. Concepcion Billones ng Makati Regional Trial Court at “not guilty beyond reasonable doubt” ang hatol niya kay Kuya Ipe (tawag kay Phillip sa showbiz).

Ayon sa aming source, parehong ikinagalak nina Cristina at Kuya Ipe ang hatol na parehong naroroon sa korte kahapon. Kitang-kita raw sa mukha ng da­lawa na parang nabunutan ang mga ito ng malaking tinik sa dibdib. Pagkatapos ng hearing, namataan na niyakap ni Kuya Ipe si Cristina at naging maayos ang kanilang paghihiwalay.

As for Cristina, noon pa ay naka-move-on na rin siya at matagal na niyang napatawad si Kuya Ipe kaya naman masaya raw ang negosyante sa pagkaka-abswelto ng aktor.

vuukle comment

ALDUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with