^

Police Metro

Away mag-asawa nauwi sa sunog!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa away magasawa, umaabot sa  160 kabahayan ang natupok ng apoy sa sunog sa komunidad sa Brgy. Tisa at Labangon  sa lungsod ng Cebu nitong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ng Cebu City Fire Department,  dakong alas- 12:28 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon,  nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Tisa na mabilis na kumalat sa mga katabi nitong kabahayan .

Ang sunog ay umabot sa katabing lugar sa Brgy. Labangon kung saan natupok ng apoy ang kabuuang 160 kabahayan.

Naideklara naman nang fire out bandang alas-2:33 ng madaling araw  matapos na rumesponde ang mga bumbero.  Sa inisyal na pagtaya nasa P1.5 M naman ang iniwang pinsala sa nasabing sunog.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon  na isang mag-asawa umano ang nag-away na sa kainitan ng pagbaba­ngayan ay inihagis ng mister ang lampara sa kaniyang misis na nailagan nito pero aksidenteng nadikit sa ‘flammable material’ na siyang pinagmulan ng sunog.

Pinaghahanap naman ang nasabing mister na kinilalang si Andrew Balunan at misis nito  upang maisai­lalim sa imbestigasyon.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with