^

PSN Palaro

Best Import

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Tinanghal na kampeon sa UAAP ang La Salle nung Miyerkules sa Araneta Coliseum.

Sweep ang kinalabasan ng finals. Tinalo ng La Salle ang mortal nitong kalaban, ang Ateneo.

Best import si Ben Mbala ng La Salle.

Best import? Sa UAAP?

‘Wag ka magtaka. Labanan na ng imports ngayon sa UAAP.

May ibang eskuwelahan na wala kaya lamang ang may import.

Malaki si Mbala na tubong Cameroon. Sa edad na 22, may taas na 6’7  at 240 pounds ang bigat.

Hindi man kasing-galing ni LeBron James ay import pa rin ang dating niya sa loob ng court -- kung  pumalpal at dumakdak.

Namayagpag ang La Salle sa elims 13-1 at hindi nagkaroon ng problema laban sa Adamson sa Final Four.  Sweep sa finals ang sumunod.

Natural. MVP si Mabala.

Kahit sa college basketball, uso na ang may import ngayon, Kailangan lang ay naka-enroll ang player sa eskuwelahan at maghintay ng residency period.

Si Mbala ay tatlong taon naghintay bago nakalaro sa UAAP.

Okay naman ang resulta.

Masaya ang La Salle community sa pagkakapanalo.

Pero may mga nagtaas ng kilay na dahil nga ito kay Mbala. Team effort na kung team effort. Si Mbala pa rin ang nagdala.

Hindi lang sa UAAP ang labanan ng imports kundi maging sa NCAA, UCBL at kung saan pa. Hanggang ang mga college leagues sa probinsiya, may imports na rin.

Nasimulan ito ng San Beda nung 2006 sa NCAA. Si Sam Ekwe ang import. Sunud-sunod ang cham­pionship.

Naging pattern na ito. Wala nang pipigil pa.

Kung wala kang import,  magtiis ka.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with