Baby Falcons sweep ang 1st round
MANILA, Philippines – Pinataob ng Adamson University ang University of the East,130-47 upang makumpleto ang first-round sweep sa University Athletic Association of the Philippines Season 79 juniors basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Umiskor si Encho Serrano ng double-double na 22 puntos at 15 rebounds habang nagdagdag sina Gerry Abadiano ng 20 puntos at Jason Celis ng 18 para sumulong ang Baby Falcons sa 7-0 rekord.
Ang 83-point winning margin at 130 puntos na produksiyon ng Adamson ang pinakamalaking rekord ngayong season.
Namayani rin ang nagdedepensang NU laban sa UP Integrated School, 95-61 para makuha ang ikalawang puwesto tangan ang 6-1 kartada habang namayani naman ang Far Eastern University sa University of Santo Tomas, 87-76 para sa No. 3 spot tangan ang 5-2 marka.
Nasa ikaapat naman ang Ateneo nang patumbahin nito ang De La Salle-Zobel, 64-57 para umangat sa 4-3 baraha.
- Latest