^

PSN Palaro

Star dinurog ang Phoenix

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 25-10 atake ang ginawa ng Star sa gitna ng first period patungo sa pagtatala ng kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 0-2 panimula.

Hindi na binigyan ng pagkakataon ng Hotshots na makabangon ang Phoenix Fuel  Masters para kunin ang 123-79 panalo sa 2016-2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang ikalawang sunod na arangkada ng Star ang nagtabla sa kanila sa Phoenix, TNT Katropa at Blackwater para sa ikatlong posisyon.

“I’m very happy and thankful sa mga players ko. We want to slow down Phoenix, especially on their transitions,” sabi ni coach Chito Victolero. “Ang ganda ng chemistry sa offense. Hopefully, magtuluy-tuloy.”

Matapos makatabla ang Fuel Masters sa 10-10 ay kumamada ang Hotshots sa sumunod na sandali para ilista ang 15-point lead, 35-20, sa pagtatapos ng first period.

Lalo pa itong pinalaki ng Star sa 91-53 sa pagsasara ng third quarter para tuluyan nang ibaon ang Phoenix.

Kapwa tumapos sina Paul Lee at Allein Maliksi na may tig-18 points para pangunahan ang Hotshots kasunod ang 15 mar­kers ni PJ Simon at tig-11 nina Mark Barroca, Justin Melton at rookie Jio Jalalon.

Binanderahan naman ni Simon Enciso ang Fuel Masters sa kanyang 16 points, habang may tig-13 sina JC Intal at William Wilson.

Nanggaling ang Star sa 99-75 paggupo sa NLEX para makasama sa win column, habang nalasap ng Phoenix ang pangalawang dikit na kamalasan makaraang magposte ng 2-0 kartada.

Star 123 - Lee 18, Maliksi 18, Simon 15, Melton 11, Jalalon 11, Barroca 11, Pingris 8, Brondial 8, Ramos 7, Reavis 7, Sangalang 4, Abundo 4, Javier 1, De Leon 0.

Phoenix 79 - Enciso 16, Intal 13, W. Wilson 13, Wright 12, Caperal 8, Borboran 5, Lanete 4, Torres 4, Baguio 2, Hayes 2, Alolino 0.

Quarterscores: 35-20; 61-38; 91-53; 123-79.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with