^

PSN Palaro

12 ginto itinumba ng Baguio City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humakot ang Baguio City ng 12 gintong medalya sa wushu competition ng 2016 Batang Pinoy na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pinangunahan ni vete­ran international campaigner Joel Casem ang kampanya ng Baguio City matapos kumana ng dalawang gintong medalya sa boys’ division.

Nasungkit ni Casem ang unang puwesto sa taolu chang quan matapos magtala ng 9.1 puntos para gapiin si Johnzenth Gajo na nagkasya sa pilak tangan ang 9.02 puntos gayundin si bronze winner Walros Joseph Franco na nagtala naman ng 8.62 puntos.

Nakasiguro rin si Casem ng ginto sa gian shu event.

Ang iba pang gold me­­dalists ay sina Krystal Yvonne Malecdan (girls’ 60 kgs.), Vannah Ibag (girls’ 56 kgs. A), Aubrey Bugaayon (girls’ 56 kgs.), Janlo Mark Sanguao (boys’ 52 kgs.), Gideon Padua (boys’ 56 kgs.), Rodel Degay (boys’ 60 kgs.), Faith Liana Andaya (girls’ chang quan), Aleca Dumseng (girls’ sanlu quan), Ghiel Figueras (girls’ nan dao) at Aleca Breana Dumseng (girls’ gian shu).

Pumangalawa ang Iloilo City na may pitong ginto habang nasa ikatlo ang Quezon City na may limang ginto at ikaapat ang Davao City na may apat. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with