Yap tuloy ang pananalasa Painters inilaglag ang Elite
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
5 p.m. Phoenix vs Star
MANILA, Philippines - Matapos ang 2-0 panimula ay nalasap ng Blackwater ang kanilang pangalawang sunod na kamalasan.
Umarangkada ang Rain or Shine Elasto Painters sa second half para palubugin ang Elite, 107-93 sa 2016-2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Kumamada si two-time PBA Most Valuable Player James Yap ng 15 points, tampok dito ang tatlong three-point shot, para sa ikatlong panalo ng Rain or Shine sa apat na laro at solohin ang liderato ng komperensya.
“We came out firing in the second half,” wika ni head coach Caloy Garcia. “The difference in today’s game is we’re moving the ball better and we’re trusting our ball movement rather than our individual talents.”
Kumolekta si center Raymond Almazan ng 14 points at 16 rebounds kasunod ang 13 at tig-11 markers nina Jewel Ponferada, Jeff Chan at Don Trollano, ayon sa pagkakasunod.
Humakot ang Elasto Painters ng kabuuang 27 assists kontra sa Elite, natikman ang ikalawang dikit na kabiguan makaraang magtala ng 2-0 record.
Mula sa 46-39 abante sa first half ay bumandera ang Rain or Shine sa third quarter para itayo ang 16-point lead, 75-59 laban sa Blackwater papasok sa fourth period.
Pinamunuan ni Raymond Aguilar ang Elite sa kanyang 15 points, habang nalimitahan si rookie Mac Belo sa 13 markers kasunod ang tig-12 nina Arthur Dela Cruz at James Sena.
Samantala, kasalukuyang naglalaban ang Meralco Bolts at TNT Katropa habang sinusulat ito.
Rain or Shine 107 - Yap 15, Almazan 14, Ponferada 13, Chan 11, Trollano 11, Norwood 9, Ahanmisi 8, Belga 8, Washington 7, Cruz 6, Tolomia 5, Ibañes 0, Matias 0.
Blackwater 93 - Aguilar 15, Belo 13, Dela Cruz 12, Sena 12, Buenafe 11, Pascual 8, Gamalinda 7, Pinto 6, Cervantes 4, Miranda 3, Ababou 2, Banal 0, Forrester 0, Perez 0.
Quarterscores: 16-19; 46-39; 75-59; 107-93.
- Latest