^

PSN Palaro

Altas, Lady Altas sumalo sa No. 2 sa NCAA volley

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mabilis na pinataob ng reigning champion University of  Perpetual Help System Dalta ang Colegio de San Juan de Letran, 25-20, 25-21, 25-20  upang maipuwersa ang three-way tie sa No. 2 spot sa NCAA Season 92 men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sumulong sa ikaapat na panalo ang Altas sa likod ng impresibong laro nina Esmail Kasim at Rey Taneo Jr. na may pinagsamang 21 puntos.

Nagtulong naman sina Allan Jay Sala-an, team captain Manuel Doliente at John Patrick Ramos sa paglikom ng 24 puntos para sa Altas.

Makakasalo ng Perpetual Help sa ikalawang puwesto ang College of St. Benilde at San Beda College hawak ang pare-parehong 4-1 marka.

“We didn’t let that loss affect us because we’re focused on making it to the Final Four,” pahayag ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Nalaglag ang Letran sa 1-4 kartada.

Sa women’s division, namayani rin ang Perpetual Help sa Letran, 29-27, 25-15, 25-21, samantalang nanaig ang Arellano University sa San Beda, 25-22, 25-22, 25-14.

Umangat sa 3-2 ang Lady Altas gayundin ang Lady Chiefs na nakisalo sa ikalawang puwesto kasama ang nagdedepensang College of St. Benilde na may 4-1 baraha.

Bumagsak sa 4-2 ang Red Spikers at 0-5 naman ang Lady Knights.

Sa juniors, nanaig ang reigning titlist Perpetual Help sa Letran sa bisa ng 21-25, 25-14, 25-11, 25-14 panalo upang mapatatag ang kanilang kapit sa No. 3 spot hawak ang 3-1 baraha.

Gumulong sa 2-3 ang Letran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with