Victoria Sports bukas para maging venue ng 2019 SEAG
MANILA, Philippines – Bukas ang Victoria Sports sa posibilidad na maging venue ang state-of-the-art facilities nito sa oras na maging punong-abala ang Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa 2019.
Nagtataglay ang Victoria Sports ng ilang world-class facilities kabilang na ang basketball gym na maaring gawing training venue ng mga koponang sasali gayundin ng weighlifting gym, swimming pools, fencing gym, gymnastics gym at iba pang pasilidad na pumasa sa international standards.
“We are very much welcome on that matter. Gusto naming makatulong sa pagtataguyod ng bansa natin ng SEA Games and we’re open to any possibilities. Victoria Sports features five floors equipped with most advanced indoor sports complex,” ani Victoria Sports club manager Cesar Villanueva.
Maaaring idaos sa Victoria Sports ang gymnastics, badminton, squash, tennis at martial arts dahil sa malawak at malinis na pasilidad nito.
Sa katunayan, sa Victoria Sports nagsasanay ang powerlifting team na pinamumunuan nina world champion Bettina Bordeos at Anita Koykka na kamakailan lamang ay humakot ng gintong medalya sa Asian Powerlifting Championship sa Udaipur, India
Liligawan din ng Victoria Sports ang ilang koponan sa PBA upang gawing practice venue ang naturang sports complex na itinuturing na pinakamalaking indoor sports complex sa Pilipinas lalo pa’t bahagi ng sales team si dating PBA player Boybits Victoria.
Matatagpuan ang indoor sports complex sa Victoria Sports Tower sa GMA Kamuning sa Edsa.
- Latest