^

PSN Palaro

Pacquiao tutol sa pagbebenta ng RMSC

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung si Sen. Manny Pacquiao ang tatanungin, nais nitong mapreserba ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) na bahagi na ng kasaysayan ng bansa na may malaking parte sa puso ng mga atleta partikular na ang mga beteranong nagbigay ng karangalan sa bansa sa mga nakalipas na henerasyon.

Ito ang pananaw ng eight-division world boxing champion matapos magsulputan ang mga balitang nais itong gawing mall ng ilang pribadong kumpanya.

“Sayang naman,” wika ni Pacquiao.

Iginiit ni Pacquiao na nakasaad sa batas na hindi ma­a­aring puwersahin ang Philippine Sports Commission kasama ang mga atleta at coaches na nakatira rito na lisanin ang sports complex.

Tinutulan din ng Heritage Conservation Society (HCS) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang pagsasapribado ng RMSC.

Sa katunayan, nais ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na ayusin ang ilang bahagi ng complex gaya ng swimming pool, diving pool, lawn tennis courts, badminton courts at iba pang pasilidad upang magkaroon ng maayos na training venue ang mga atleta.

Tututukan din ang athlete’s quarter upang matiyak na nasa magandang kundisyon ang tinutuluyan ng mga atleta na siyang nagdadala ng bandila ng Pilipinas sa mga international competitions.

Itinayo ang RMSC noong 1934 na siyang pinagdausan ng malalaking kumpetisyon kabilang na ang Far Eastern Championship Games noong 1934 gayundin ng Asian Games noong 1954 at Southeast Asian Games noong 1981, 1991 at 2005.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with