Batang Pier hihirit ng 3-sunod sa Aces
MANILA, Philippines – Sa kabila ng 2-0 panimula ay hindi pa rin ito sapat para ituring na title contender ang mga Batang Pier sa 2016-2017 PBA Philippine Cup.
“It’s still an early gauge for us,” sabi ni coach Franz Pumaren. “The real test will be in the coming few games. This will be a great springboard for us.”
Tatargetin ng Globalport ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pakikipagtuos sa Alaska ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang paghaharap ng NLEX at Star sa alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Itinala ng Batang Pier ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos gibain ang Hotshots, 91-84 noong Disyembre 2 tampok ang 24 points ni Terrence Romeo, 18 markers ni Stanley Pringle at 12 ni Niño Canaleta.
“We need to execute, for sure. We got to early starts on both of our games, but I doubt Alaska is going to let us have our early start,” wika ni Pringle sa Aces.
Sa kabila ng hindi paglalaro ng mga may injury na sina Calvin Abueva at Sonny Thoss at mga nabigyan ng one-game suspension na sina Vic Manuel at Ping Exciminiano ay pinahirapan pa rin ng Alaska ang nagdedepensang San Miguel bago isuko ang 88-93 pagkatalo noong Disyembre 2.
“We’re just trying to get better in the playoffs with all the injuries that we have,” sabi ni coach Alex Compton. “We’re going to be small for a while, but if we fight like this, if we’ll scrap out that way, then I think the fans should be proud.”
Sa ikalawang laro, pipilitin naman ng Road Warriors na masungkit ang kanilang ikalawang panalo, habang hangad ng Hotshots ang makapasok sa win-column matapos ang 0-2 panimula.
- Latest