^

PSN Palaro

Tatapusin na ng La Salle

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Tatapusin na ng La Salle

Nakipag-unahan sa pagkuha ng bola si Jeron Teng ng La Salle kina Thirdy Ravena at John  Wong ng Ateneo sa Game 1 ng UAAP Finals. Joey Mendoza

MANILA, Philippines – Itotodo na ng De La Salle University ang buong puwersa upang masungkit ang kampeonato sa pakikipagtipan nito sa Ateneo de Manila University sa Game 2 ng UAAP Season 79 men’s basketball best-of-three finals ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Muling magkukrus ang landas ng Green Archers at Blue Eagles sa alas-3:30 ng hapon habang pormal nang igagawad ang individual awards sa alas-2 kung saan nangunguna sa listahan si season MVP Ben Mbala ng La Salle.

Sa kabila ng 1-0 bentahe sa serye, wala sa isip ni La Salle mentor Aldin Ayo ang maging kampante dahil alam nito ang kakayahan ng Ateneo na kayang maglunsad ng malakas na pagresbak sa Game 2.

Naramdaman na ng Green Archers ang puwersa ng Blue Eagles nang matalo ito sa kanilang paghaharap sa second round ng eliminasyon noong Nobyembre 5 sa iskor na 71-83.

Nahirapan din ang La Salle sa kanilang unang paghaharap sa finals noong Sabado kung saan kinaila­ngan nitong kumapit ng husto sa huling sandali ng laro bago itakas ang 67-65 panalo laban sa Ateneo.

“We need to stay focused. Wala pang dapat i-celebrate dahil alam na­ming gagawin ng Ateneo ang lahat para manalo sa Game 2. They’re a tough team. We need to play as a team, kailangang mag-contribute ang lahat ng players para makuha namin ito,” wika ni Ayo na nagnanais dalhin ang La Salle sa ikasiyam na kampeonato.

Inaasahang maglalatag ng matinding lakas si Mbala na tiyak na mas magi­ging ins­pirado sa kanyang tatanggaping MVP trophy.

Subalit mangangaila­ngan ito ng sapat na suporta mula sa kanyang katropa upang maisakatuparan ang inaasam na pagkopo sa korona.

Partikular na aariba sa hanay ng Green Archers si team captain Jeron Teng na emosyonal sa kanyang posibleng huling laro sa UAAP.

“Mas gusto ko na last game ko na sa Wednesday. Every game naman I just give my hundred percent and I want to end my career with La Salle with a championship,” pahayag naman ni Teng na pangunahing naasahan ng La Salle sa krusyal na sandali sa kanilang huling laro.

Subalit hindi basta-basta bibigay ang Ateneo.

Handa nitong gawin ang lahat upang maipuwersa ang rubber match.

“We made some adjustments for Wednesday. We need to focus on the things that we need to do (in Game 2). We’re up against a strong team, we need to be ready,” ani Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Hahataw para sa Blue Eagles sina Aaron Black, Thirdy Ravena, Isaac Go, Mike Nieto, Adrian Wong, Chibueze Ikeh at Matt Nieto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with