Intal may ibubuga pa
MANILA, Philippines - Nagbalik na ang pamatay na porma ni JC Intal.
At ipinapakita niya ito ngayon sa 2016-2017 PBA Philippine Cup.
Sa dalawang sunod na panalo na ipinoste ng Phoenix ay nagtala ang 6-foot-4 na si Intal ng mga averages na 23.5 points, 5.5 rebounds at 2.0 assists.
Kaya naman hinirang ang 33-anyos na wingman bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.
Inungusan ni Intal para sa weekly citation sina Terrence Romeo at Stanley Pringle ng Globalport Batang Pier, Meralco Bolts guard Chris Newsome, Katropang Texters stars Jayson Castro at Moala Tautuaa at Ginebra Gin Kings big man Japeth Aguilar.
Hindi nakita sa aksyon sa nakaraang PBA Governor’s Cup si Intal dahil sa kanyang foot injury.
Humugot si Intal ng lima sa kanyang team-high 22 points sa huling 60 segundo para akayin ang Fuel Masters sa 92-85 panalo laban sa nagdedepensang San Miguel Beermen noong Nobyembre 30 sa Antipolo City.
Noong Linggo ay naglista si Intal ng 24 points at 7 rebounds para ihatid ang Phoenix sa 114-104 paggiba sa Mahindra.
Kasalukuyang katabla ng Phoenix sa ikalawang puwesto sa magkakatulad nilang 2-1 record ang TNT Katropa, San Miguel, Blackwater at Rain or Shine.
- Latest