^

PSN Palaro

Ateneo reresbak

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang iba kundi makaresbak ang nasa isip ng Ateneo de Manila University sa oras na muli nitong makaharap ang De La Salle University sa Game 2 ng UAAP Season 79 men’s basketball best-of-three championship series bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Walang puwang ang anumang pagkakamali para sa Blue Eagles upang maipuwersa ang winner-take-all kontra sa Green Archers sa serye. Nakuha ng La Salle ang Game 1 sa pamamagitan ng 67-65 panalo noong Sabado.

“We will bounce back in Game 2. We’ve been doing this for the entire season and we’re hoping to get a good start on Wednesday. We played our best this season, nobody expected us to reach this far,” ani Ateneo standout Thirdy Ravena.

Kaya naman isang solidong game plan ang inaayos ni Ateneo mentor Tab Baldwin upang pigilan ang anumang ata­keng ilulunsad ng Green Archers partikular na ang top gunners nitong sina Cameroonian Ben Mbala at graduating Jeron Teng.

Solidong depensa ang kinakailangan ng Blue Eagles para makasabay sa matatalim na panang ibabato ng Green Archers gayundin ang malakas na puwersa sa shaded area para makahatak ng mas maraming rebounds.

“Kaya naman naming makipagsabayan sa La Salle. They’re a strong team pero lalaban kami,” dagdag ni Ravena.

Nakakuha ang La Salle ng 49 boards laban sa 43 ng Ateneo sa Game 1.

Umaasa si Baldwin na maraming natutunan ang kaniyang bataan sa series opener partikular na sa mga krusyal na pagkakamaling nagawa nito.

“La Salle had a great start. The players got lessons but it’s not about lesson. It’s about standing to the challenge,” ani Baldwin.

Maliban kay Ravena, kinakailangan ding rumatsada nina Aaron Black gayundin nina John Wong, Chibueze Ikeh, Mike Nieto at Isaac Go.

Sa kabilang banda, tiwala si Teng na magkakaroon ng magandang pagtatapos ang kaniyang college career.

Kinakailangan lang aniya na mas maging agresibo ang kanilang tropa sa Game 2 upang maiwasan ang mga nangyari sa Game 1.

“Parang kinakabahan kami (noong Game 1). Kailangan namin ng mas magandang laro sa Game 2 kumpara sa Game 1. We have to play better than that,” ani Teng na siyang nagsalpak ng krusyal na basket sa huling sandali ng laro upang tulungan ang Green Archers na makuha ang panalo.

Target ng La Salle na maipormalisa ang pagkopo sa ikasiyam na kampeonato habang umaasa naman ang kampo ng Ateneo na naghilom na ang sakit na naidulot ng kanilang kabiguan sa Game 1 upang muling makalipad at maipuwersa ang rubber match.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with