^

PSN Palaro

For Sale

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Matuloy na nga kaya ang bentahan ng Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz sa Maynila?

Ang sabi kasi ni Mayor Erap, may agreement ang Maynila kay Enrique Razon, ang bilyonaryong may-ari ng Solaire Resort and Casino, para sa bentahan ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).

Gagawin daw isang malaking mall o shopping complex.

Malaking lupain ang sinasakupan ng RMSC na tinayo nung 1934 para doon ganapin ang Far Eastern Games na naging mas kilala bilang Asian Games.

Ang pamilya ni Vito Cruz ang may-ari ng lupa at binigay nila ito sa Maynila bilang donation.

Kaya naman ayon sa batas, makukuha lang ito ng Maynila kung tuluyan na itong  lilisanin ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng mga iba’t-ibang sports associations na gumagamit nito.

Tirahan din ito ng mga national athletes natin.

Kung aalis ang PSC at mga atleta, pwede na nga ito ibenta ng Maynila kay Razon para gawin kung anuman ang gusto niya. Malaki ang lupain (11 hectares) at bilyon ang halaga nito.

Marami nang umalma sa plano gaya ng mga historical at heritage groups na nagsasabing parte na ng Philippine history ang RMSC.

Marami nang naganap dito, kabilang na ang isang baseball match na tinampukan ni Babe Ruth nung 1934 at ang Beatles concert nung 1966.

Bago pumasok ang pangalan ni Razon, nasabi na rin na interesado ang La Salle at SM Group sa lupain.

Ayon naman sa plano, kung gagawin man shopping complex ang lugar ay sisiguraduhin nila na hindi magagalaw ang baseball stadium at ang memorial kung saan ginanap ang maraming malalaking basketball games sa MICAA nung unang panahon.

Nung 1975, may mga naganap din na PBA games ng Crispa at Toyota sa Rizal Memorial Coliseum.

Matalinhaga ang RMSC.

Kailangan pa ba natin ng bagong mall sa Maynila?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with