^

PSN Palaro

Vera naidepensa ang titulo vs Japanese

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gamit ang kanyang height at reach advantage, madaling dinispatsa ni Fil-Am Brandon Vera si Japanese Hideki Sekine para matagumpay na maidepensa ang suot na heavyweight title sa One: Age of Domination noong Biyernes sa MOA Arena sa Pasay City.

Pinasuko ng 39-anyos na si Vera si Sekine sa 3:11 minuto ng opening round para sa kanyang ika-15 panalo sa 22 laban, kasama rito ang tatlo sa nasabing fight outfit.

Nakakonekta si Vera ng tuhod sa mukha ni Sekine na nagpabagsak sa Japanese challenger kasunod ang kanyang pagpapaulan ng mga suntok.

Mula rito ay itinigil ng re­feree ang nasabing laban.

Nauna nang tinalo ni Vera sina Igor Subor noong 2014 at Paul Cheng noong nakaraang taon para angkinin ang heavyweight crown.

Huli namang lumaban si Sekine sa Ultimate Fighting Championship noong 2014.

May 7-1 record ngayon ang Japanese fighter.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with