^

PSN Palaro

La Salle puro na, Ateneo sinilat sa Game 1

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
La Salle puro na, Ateneo sinilat sa Game 1

Pinagtulungang depensahan nina Kib Montalbo at Ricci Rivero ng La Salle si Chibueze Ikeh ng Ateneo sa Game 1 ng UAAP Finals. Joey Mendoza

MANILA, Philippines – Nasawata ng De La Salle University ang pagtatangka ng Ateneo de Manila University sa hu­ling sandali ng laro bago nailusot ang gitgitang 67-65 panalo upang makalapit sa ina­asam na kampeonato  kagabi sa UAAP Season 79 men’s basketball championship showdown sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inilabas ni Cameroonian Ben Mbala ang kanyang mala-MVP na laro nang tumipa ito ng 20 puntos, 15 rebounds, dalawang steals, isang assist at isang block para pamunuan ang Green Archers na makuha ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three series.

“We started strong but we couldn’t sustain it. I should make the adjustment when they make the double on me. I had five turnovers,” ani Mbala.

Naging malakas na katuwang ni Mbala sina Aljun Melecio na umiskor ng 12 puntos, apat na boards at isang assists gayundin si Jeron Teng na humugot ng 10 puntos, apat na boards, tatlong assists at ang importanteng block sa fourth quarter.

“I just had to step up. I wasn’t getting my flow in the game. Bumawi ako sa defense. Yung basket, siguro instinct ko na Lang yun. Yung block, adrenaline na yun,” pahayag ni Teng na nagnanais magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang kanyang college career.

Hawak ng La Salle ang kalamangan, 64-63, nang maipasok ni Matt Nieto ang basket para maagaw ng Ateneo ang bentahe, 65-64, sa huling 34.6 segundo ng laro.

Subalit agad itong sinagot ni Teng ng sariling drive para maibalik ang kalama­ngan 66-65, may 15.1 segundo pang nalalabi. Isang krusyal na block pa ang kinana ni Teng kay Aaron Black upang pigilan ang Blue Eagles na siyang na­ging matatag na pundasyon ng Green Archers tungo sa panalo.

“We were going back to the scheme (in Game 2). We called our plays, we exe­cuted our plays and good thing for us, they are trying their best to do the game plan. Hindi magpapatalo ang mga batang ito,” sambit ni La Salle mentor Aldin Ayo.

Tanging si Black lamang ang nagtala ng double digits para sa Blue Eagles ta­ngan ang 12 puntos habang nagkasya sa siyam si John Wong, at tigwa-walo sina Thirdy Ravena, Chibueze Ikeh at Mike Nieto.

Lamang ang La Salle sa rebounds, 49-43, gayundin sa assists, 15-10. Nakagawa rin ang Green Archers ng 21 turnovers kumpara sa 16 lamang ng Blue Eagles sa larong dinumog ng 16,712 na nanood sa venue.

Susubukan ng La Salle na masungkit ang ikasiyam na titulo nito sa paglarga ng Game 2 sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

DLSU 67 - Mbala 20, Melecio 12, Teng 10, Sargent 7, Torres 5, Montalbo 4, Tratter 3, P. Rivero 3, R. Rivero 2, Ca­racut 1, Perkins 0, Baltazar 0.

ADMU 65 - Black 12, Wong 9, Ikeh 8, Ravena 8, Mi. Nieto 8, Go 6, Ma. Nieto 5, Verano 5, Asistio 2, Tolentino 2, Mendoza 0, Porter 0.

Quarterscores: 19-6; 36-26, 52-52, 67-65.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with