^

PSN Palaro

Foton vs Petron sa PSL Grand Prix Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Foton vs Petron sa PSL Grand Prix Finals

Lusot sa depensa nina Jaja Santiago at Dindin Manabat ng Foton ang kill ni Kierra Holst ng RC Cola-Army.

MANILA, Philippines – Naitakas ng nagdedepensang Foton ang pahirapang 23-25, 23-25, 25-22, 25-15, 15-7 panalo laban sa RC Cola-Army upang angkinin ang unang silya sa finals ng 2016 Philippine Superliga Grand Prix women’s volleyball tournament kahapon sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City.

Nakabangon ang Tornadoes sa masamang pa­nimula kung saan pinangunahan ni American import Ariel Usher ang ratsada ng tropa sa huling tatlong sets para pigilan ang malalakas na bombang ibinato ng Lady Troopers.

Humataw ng 22 puntos si Usher na nabuo mula sa 15 attacks, limang blocks at dalawang aces habang nakakuha ito ng sapat na suporta mula kina 6-foot-5 Jaja Santiago at team captain Lindsay Stalzer na nagtala ng tig-14 puntos.

“I’m happy for my team that they finished strong for us to enter in the finals. RC Cola-Army is such a difficult team to beat. They always play good when they know they’re in a big battle. I have high respect for this team,” wika ni Foton Serbian mentor Moro Branislav.

Handang-handa ang Lady Troopers nang tumuntong ito sa court matapos magpakawala ng matatalim na atake mula kina American reinforcement Kierra Holst, skipper Jovelyn Gonzaga at open hitter Honey Royse Tubino para makuha ang unang dalawang sets.

Subalit tila naubusan ng armas ang RC Cola-Army sa mga sumunod na pangyayari matapos magsanib-puwersa sina Usher, Stalzer at Santiago para pamunuan ang pagharurot ng Tornadoes sa third at fourth sets.

Higit pang lumabas ang tunay na laro ng Tornadoes sa deciding set nang umariba pa sina Usher at Santiago para makuha ang 8-5 kalamangan. Mula rito ay hindi na lumingon pa ang Foton para tuluyang tapusin ang laro na umabot ng halos tatlong oras.

Nagrehistro si Holst ng kabuuang 26 puntos habang nagdagdag si Gonzaga ng 18 gayundin si Tubino ng 15 para sa Lady Troopers.

Sa katunayan, mas maraming attacks ang Lady Troopers, 56-53, ngunit nakabawi ang Tornadoes sa blocks tangan ang 11-6 bentahe gayundin sa service area bitbit ang 10 aces laban sa pito ng kanilang karibal.

Target ng Foton na makuha ang kampeonato upang muling maging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s Club Championship na idaraos sa Kazakhstan sa susunod na taon.

Makakaharap ng Foton sa best-of-three championship series ang Petron na nagtala rin ng pahirapang 25-23, 23-25, 17-25, 25-22, 15-10 panalo laban sa F2 Logistics sa hiwalay na semis game.

Muling nasandalan ng Tri-Activ Spikers si American import Stephanie Niemer na siyang nanguna sa opensa kasama ang matatalim na aces habang malakas na suporta ang ibinigay nina Aiza Maizo-Pontillas, Serena Warner, Ces Molina at libero Jen Reyes.

Lalarga ang Game 1 ng serye sa Huwebes sa The Arena sa San Juan City.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with