^

PSN Palaro

Cavs minalas sa Clippers

Pilipino Star Ngayon
Cavs minalas sa Clippers

Dinepensahan ni Kyrie Irving ng Cavs si Chris Paul ng Clippers.

CLEVELAND-- Tinapos ng Los Angeles Clippers ang kanilang tatlong sunod na kamalasan nang talunin ang Cavaliers, 113-94 dito sa Quicken Loans Arena.

Umiskor si JJ Redick ng 21 points sa first half para tulungan ang Clippers na magtayo ng 58-50 abante laban sa Cavaliers.

Nag-init naman sa third period si Chris Paul matapos kumamada ng 11 points kung saan tinabunan ng Los Angeles ang Cleveland sa pamamagitan ng kanilang 20-point lead.

At nang magposte ang Clippers ng 27-point advantage sa gitna ng fourth quarter ay hindi na nakabangon ang Cavaliers, napuwersa sa kabuuang 17 turnovers.

Pinangunahan ni Redick ang Clippers, tumaas sa 15-5, sa kanyang 23 points, habang naglista si Paul ng 16 markers at 9 assists at  kumolekta si Griffin ng 13 points.

Binanderahan naman ni Kyrie Irving ang Cavaliers, may 13-4 baraha, sa kanyang 28 points kasunod ang tig-16 nina LeBron James at Kevin Love.

Sa Memphis, isinalpak ni Marc Gasol ang dalawang game-winning free throws para iligtas ang Grizzlies laban sa Orlando Magic, 95-94.

Bumangon ang Memphis mula sa 13-point deficit, 71-84 sa gitna ng fourth quarter nang magpakawala ng 13-1 atake para makadikit sa 84-85 sa huling 3:29 minuto.

Pinamunuan ni Gasol ang Memphis, may 12-8 marka ngayon, sa kanyang 25 points kasunod ang 19 markers ni Troy Daniels.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with