^

PSN Palaro

Giyera ng asul, berde sisiklab ngayon sa Moa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(MOA Arena)

4pm La Salle vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Matapos ang walong taon, muling masisilayan ang klasikong bakbakan ng Ateneo at La Salle  sa finals sa paglarga ng UAAP Season 79 men’s basketball championship showdown ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sasambulat ang Game 1 ng best-of-three series sa alas-4.

Huling nagtagpo sa fi­nals ang Blue Eagles at Green Archers noong 2008 kung saan winalis ng Ateneo ang serye, 2-0 sa pangunguna nina Chris Tiu, Rabeh Al-Hussaini, Ryan Buenafe at Jai Reyes.

Naitarak ng Katipunan-based school ang 69-61 panalo sa Game 1 at 62-51 pananaig sa Game 2.

Kaya sa pagkukrus ng landas ng dalawang koponan, inaasahang ilalatag ng La Salle ang pinakama­lakas na puwersa upang makabawi sa naturang pagkatalo.

Maliban sa pagresbak, nais din ni graduating La Salle player Jeron Teng na magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang kanyang college career.

“I’ll do whatever it takes to win the title. It’s my last and I’m trying to give La Salle a championship in my final year,” ani Teng.

Subalit alam nitong hindi magiging madali ang kanilang tatahakin kaya’t matinding training ang kanilang pinagdaanan upang masiguro na handang-handa ang La Salle na sumabak sa giyera.

Sa katunayan, ga­ling sa mahabang pahi­nga  ang Green Archers ngunit naniniwala si Teng na magandang tsansa ito upang higit na maging pulido ang kanilang galaw.

“Mahirap ang training namin after nung semis. We’re practicing really hard, tougher than our pre­vious practices,” dagdag ng 6-foot-3 forward.

Makakatuwang ni Teng si Season MVP Cameroonian Ben Mbala na may matikas na averages na 20.71 points, 16.29 rebounds at 2.14 blocks kada laro katuwang si Kib Montalbo na may sariling 3.71 assists at 2.86 steals.

Hahataw din para sa Green Archers sina Andrei Caracut, Abu Tratter, Thomas Torres, Aljun Melecio at Jolo Go.

Sa kabilang banda, mataas ang lipad ng Blue Eagles na siyang naghubad sa korona ng Far Eas­ten University sa bendisyon ng 69-68 overtime win sa rubber match ng Final Four.

Hawak din ng Ateneo ang karangalan bilang bukod-tanging koponan na nakatalo sa La Salle sa season na ito.

Maganda rin ang inila­laro nina Thirdy Ravena, Mike Nieto at Isaac Go na siyang nanguna sa panalo ng Blue Eagles sa Tamaraws.

 Parehong may walong titulo ang Ateneo at La Salle.

Nagkampeon ang Blue Eagles noong 1987, 1988, 2002, 2008, 2009, 2010, 2011 at  2012 habang uma­ni ng titulo ang Green Archers noong 1989, 1990, 1998, 1999, 2000, 2001, 2007 at 2013.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with