^

PSN Palaro

Ayo, Baldwin palaliman ng karanasan sa UAAP Finale

Pilipino Star Ngayon
Ayo, Baldwin palaliman ng karanasan sa UAAP Finale

Tinirahan ni Ben Mbala ng LA Salle si Chibueze Ikeh ng Ateneo sa huling laban nila sa elimination ng UAAP Season 79. Jun Mendoza

MANILA, Philippines - Ilalabas na nina Aldin Ayo ng De La Salle University at Tab Baldwin ng Ateneo de Manila University ang kanilang pinakatatagong husay upang bigyan ng magarbong pagtatapos ang kani-kanilang koponan sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament.

Inaabangan na ang salpukan ng dalawang mahusay na mentors sa Game 1 ng best-of-three championship series ngayong hapon sa Mall of Asia Arena.

Nais ni Ayo na dalhin ang kanyang suwerte sa La Salle matapos tulungan ang Colegio de San Juan de Letran na makopo ang titulo sa NCAA noong nakaraang taon.

Sa kabila ng pagiging rookie sa UAAP, sanay na si Ayo sa malalaking laro.

Magugunitang nakaharap ng Letran ang San Beda College na isa ring tinututukang duwelo sa NCAA.

Kaya naman hindi na magiging mahirap ang adjustments para kay Ayo.

“Siyempre excited. Hindi ko alam e, first year ko sa NCAA, biggest rivalry ng NCAA, Letran versus San Beda. Ngayon first year ko sa UAAP, La Salle versus Ateneo,” aniya.

Hindi gaya sa NCAA na underdogs ang Letran, ang La Salle sa pagkakataong ito ang higit na pinapaborang magkampeon matapos makuha ang top see­ding sa eliminasyon.

“Different situations but one thing remains, gusto ko manalo,” giit nito.

Sa kabilang banda, malalim din ang karanasan ni Baldwin na naging mentor ng iba’t ibang international basketball teams kabilang na ang paghawak sa Gilas Pilipinas bago maging bahagi ng Ateneo.

“This has been a lear­ning experience for me in the UAAP and I’m still learning,” ani Baldwin.

Ngunit hindi gaya sa Gilas, mas bata ang hawak ni Baldwin sa Ateneo na unti-unti nitong hinubog upang maabot ang kasalukuyang estado nito.

Nakita ang maturity sa Blue Eagles nang talunin nito ang Far Eastern University sa semis via 69-68 overtime win.

Gayunpaman, nakasalalay pa rin ang resulta sa kung paano tatanggapin ng Green Archers at Blue Eagles ang bawat leksiyong itinuro nina Ayo at Baldwin at kung kaninong sistema ang mananaig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with