^

Bansa

Soldier-athletes na mananalo sa int’l competitions mapo-promote ng 3 ranggo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bukod sa matatanggap na cash rewards dahil sa napanalunang medalya, maipo-promote na rin ng tatlong ranggo ang mga sundalong atleta na kumakatawan sa bansa sa sandaling manalo ang mga ito sa mga international competitions.

Ito ang nakasaad sa House Bill 4220 o ang “Special Recognition for Philippine Athletes with Military Services Act” na inihain ni 1Pacman party­list Rep. Michael Romero.

Paliwanag ni Romero, hindi katulad ng mga ordinaryong atleta, ang mga sundalong manlalaro ay nagsasanay ng kanilang talento at kaalaman bilang sports competitors at sumasabak din sa matinding training sa paghahanda para maidepensa ang Pilipinas mula sa internal at external threats.

Kaya iginiit ng kongresista na dapat ang mga soldier-athletes ay ma­bigyan ng dalawang award, ang isa ay cash incentives na pinapayagan sa ilalim ng batas at government sports program at ang isa pa ay ang pagpo-promote sa kanilang ranggo dahil sa natamong karangalan.

Sa ilalim ng panukala, ang isang Pinoy na atleta na aktibo bilang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay bibigyan ng special recognition at promotion na tatlong ranggong mas mataas kapag siya ay nanalo ng gold medal sa international sports competition na kinikilala ng gobyerno.

Kapag silver medal ay two ranks higher habang kapag bronze ay katumbas ng ranggo na mas mataas sa kanya o sa kasalukuyan niyang grado.

Hinikayat naman ni Romero ang liderato ng Kamara na isama ang HB 4220 sa listahan ng le­gislative priority ng Mababang Kapulungan upang tumaas pa ang tsansa ng bansa na makakuha ng medalya sa 2020 Olympics sa Japan at sa iba pang international sports competitions.

vuukle comment

PROMOTE NG 3 RANGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with