^

Bansa

Ping kay Digong: Checkpoints ‘wag buwagin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Ping kay Digong: Checkpoints �wag buwagin
Hinimok ni Sen. Panfilo Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang mga mobile police checkpoints upang masawata ang mga drug smugglers at mapigil ang anumang krimen.
File photo

MANILA, Philippines – Hinimok ni Sen. Panfilo Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang mga mobile police checkpoints upang masawata ang mga drug smugglers at mapigil ang anumang krimen.

Ayon kay Lacson, mas epektibo ang mga mobile checkpoints sapagkat hindi ito inaasahan ng mga nagbabalak magtulak ng iligal na droga, baril at iba pang mga kontrabando. 

Reaksyon ito ni Lacson sa utos ni Pangulong Duterte na baklasin ang mga checkpoints sa bansa. 

Pero giit ni Lacson, dapat panatilihin ang mga checkpoints na ito at mas mainam nga raw na pagbutihin pa ang mga ito.

Inanunsyo kamakalawa ni Duterte sa kanyang speech sa Cotabato City na ang tanging hindi babaklasin na checkpoints ay iyong mga “necessary” lamang. 

“Except really if it is necessary, only if it’s nece­ssary, only if there is specific reason to do it, I am ordering all checkpoints dismantled,” wika ng Pangulo.

Sabi pa ni Duterte, ang security checkpoints ng Philippine Army, Moro Islamic Liberation Front, Moro National Liberation Front at Philippine National Police ay nagi­ging dahilan ng pagbagal ng daloy ng biyahe sa Mindanao.

Aniya, ang checkpoints ay dapat nilalagay lamang kapag mayroong impormasyon para sa high-value target or suspect na dadaan sa nasabing lugar.

Sa ngayon ay hinihintay pa rin ng Philippine National Police at ng Armed Forces of the Philippines kung kailan maipapatupad ang kautusan na ito ng Pangulo sapagkat wala pa rin naman daw inilalabas na guidelines hinggil dito.

vuukle comment

SEN. PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with