^

Probinsiya

High-value drug pusher, pinabulagta

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
High-value drug pusher, pinabulagta
Ayon sa ulat, paalis na ang biktima mula sa barangay assembly meeting nang sundan at pagbabarilin ng gunman saka tumakas sakay ng motorsiklo.
?File photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Bumulagta ang sinasabing high-value drug pusher matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa plaza ng Barangay Sabangan sa bayan ng Santiago, Ilocos Sur noong Miyerkules.

Kinilala ni P/Chief Insp. James Patrick Calibuso, hepe ng Santiago PNP ang napatay na si Robert “Bobby” Molina dela Cruz na miyembro rin ng kilabot na Tengsico-Cabreros drug group na sangkot sa iba’t-ibang krimen sa Ilocos Sur noong nakaraang taon.?

Ayon sa ulat, paalis na ang biktima mula sa barangay assembly meeting nang sundan at pagbabarilin ng gunman saka tumakas sakay ng motorsiklo. ?

Nasugatan din si Ruby Mae Campilla na nadaplisan ng ligaw na bala sa paa.? Idineklarang patay sa Candon City Hospital si Dela Cruz habang narekober naman sa crime scene ang walong basyo ng bala ng cal.45 pistol.?

Bagama’t sumawsaw na sa Oplan Tokhang si Dela Cruz ay nauulinigan pa rin ang patuloy nitong pagtutulak ng droga.

vuukle comment

DRUG PUSHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with