^

PSN Palaro

3-peat sa UST jins

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naibulsa ng University of Santo Tomas ang ikatlong sunod na kampeonato nito sa men’s division habang sumipa ng kauna-unahang titulo sa women’s class ang National University sa UAAP Season 79 taekwondo competition na ginanap sa Blue Eagle Gym.

Nagtala ang Growling Tigers ng dikit na panalo laban sa  UE, 4-3 kasunod ang pagbomba sa UP, 6-1  sa huling araw ng kumpetisyon upang tapusin ang kanilang kampanya  tangan ang 5-1 marka.

Nagkasya naman sa ikalawang puwesto ang Bulldogs na mayroon ding 5-1 baraha bunsod ng panalo laban sa La Salle (4-3) at Ateneo  (7-0).

Subalit bigo ang NU na makuha ang unang pu­westo dahil sa winner-over-the-other rule. Natalo ang Bulldogs sa Tigers sa kanilang paghaharap sa eliminasyon.

Ito ang  ika-14 kabuuang korona ng UST sa men’s division kung saan itinanghal na MVP si middle-heavyweight Aries Capispisan. 

Sa women’s category, winalis ng Lady Bulldogs ang lahat ng anim na asignatura nito para makopo ang kampeonato sa likod ng agresibong laro ni lightweight Shiryl Badol na siyang itinanghal na MVP.

Pumangalawa lamang ang Tigresses na may 4-2 rekord kabilang ang 6-1 panalo sa Season 78 champion Lady Warriors at 4-3 pananaig sa Lady Archers.

Pumasok sa Top 3 ang Ateneo sa kauna-unahang pagkakataon kung saan itinanghal na Rookie of the Year si Pauline Lopez ng Lady Eagles.

Si finweight Carlo Dionisio ng La Salle ang nakakuha ng men’s Rookie of the Year honors.

Sa juniors, nakuha ng UE ang titulo sa ikaapat na sunod na taon.

vuukle comment

UST JINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with