^

PSN Palaro

Pacquiao-Vargas fight KO ang ending--Arum

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao-Vargas fight KO ang ending--Arum
Ipinakita ni Manny Pacquiao ang kanyang maskuladong ka­­tawan sa media.

LOS ANGELES - Per­sonal na pinanood ni promoter Bob Arum ang trai­ning ni Manny Pacquiao bilang paghahanda para sa kanilang Nov. 5 showdown ni Jessie Vargas sa Las Vegas.

Ikinabahala ni Arum ang napaulat na pagliban ni Pacquiao sa kanyang trai­ning sessions dahil sa sipon at pamumulikat sa mga binti habang nag-eensayo sa Pilipinas.

Nakipag-sparring si Pacquiao ng apat na rounds kay Ray Beltran sa Wild Card Gym.

Nakipag-usap si Arum sa press bago siya umalis ng gym sa Hollywood at isang bagay ang tiniyak niya sa paghaharap ng 37-anyos na si Pacquiao at  ng 27-anyos na si Vargas sa Thomas & Mack Center.

“This fight is ending in a knockout,” wika ni Arum.

“There’s no fooling around. Vargas knows how to fight. One way or the other one guy is going to be standing,” dagdag pa nito.

Ito ang unang gym session ni Pacquiao matapos dumating dito sa L.A. noong Sabado ng gabi.

Nasa Maynila si Arum noong Agosto kung saan kauupo pa lamang ni Pacquiao bilang senator at naghahanda para sa kanyang comeback fight.

Lubhang nag-alala si Arum sa bagong papel ni Pacquiao bilang isang se­nator na maaaring makaapekto sa kanyang pagiging boxer dahil sa kanyang legislative duties na mas mabigat kesa noong siya ay congressman.

“To tell you the truth, I was (worried)--until I saw him today. He’s in good condition if not better than I’ve ever seen,” ani Arum.

Ang Top Rank chief ay sinamahan sa gym nina matchmaker Bruce Trampler at Academy Award winner William Friedkin.

Matapos ang sparring ay ipinakilala ni Arum ang 81-anyos na si Friedkin, isang American film director, producer at screen writer, kay Pacquiao.

Sag­lit na nag-usap sina Friedkin, nanalo ng Aca­demy Award bilang Best Director para sa kanyang 1971 film The French Connection at pinuri sa kanyang 1973 project na The Exorcist, at Pacquiao.

Tiniyak ni  Arum na mahihirapan si Pacquiao kay Vargas.

“His knockout victory over Sadam Ali (in March this year) makes him special. Ali was a US Olympian, undefeated, a great boxer and great fighter and he knocked him out, knocked him cold,” ani Arum.

vuukle comment

BOB ARUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with