^

PSN Palaro

12-0 sa Archers; Red Warriors pinatalsik na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
12-0 sa Archers; Red Warriors pinatalsik na
Akmang susupalpalin ni Nick Abanto ng UE si Thomas Torres ng La Salle.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines – Lumapit sa inaasam na sweep ang La Salle nang ilampaso nito ang University of the East, 95-66 kahapon sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum.

Muling naglatag ng halimaw na laro si Cameroonian Ben Mbala nang magpasabog ito ng 26 puntos, 20 rebounds, apat na blocks at tatlong assists para hatakin ang Green Archers sa ika-12 sunod na pananaig.

Dalawang panalo na lamang ang kakailanganin ng La Salle para makumpleto ang 14-game sweep na magbibigay sa kanila ng awtomatikong silya sa finals.

Matikas din ang laro ni graduating Jeron Teng na tumipa ng 20 puntos, dalawang boards at dalawang steals gayundin sina Thomas Torres at Aljun Melecio na may pinagsamang 20 puntos.

“We’re now playing as a team. The players are maturing, hindi ito puro star player or tirador. Mas nagi­ging well-rounded ang mga bata dahil naa-accept nila yung mga roles nila,” wika ni La Salle mentor Aldin Ayo.

Malakas na puwersa ang inilatag ng La Salle sa shaded area matapos humatak ng 71 rebounds kung saan nagdagdag ng 13 boards si Abu Tratter at 12 naman si Jason Perkins.

Tanging 34 boards lamang ang nakuha ng UE na bumagsak sa 2-9 upang tuluyang mapatalsik sa kontensiyon.

Nanguna para sa Red Warriors si Alvin Pasaol na naglista ng 17 mar­kers habang nagdagdag ng tig-siyam sina Wilson Bartolome at Clark Derige at walo si Edison Batiller.

Sa ikalawang laro, ginulantang ng University of the Philippines ang National University, 71-66 upang manatiling buhay ang pag-asa nito sa Final Four.

Umangat sa 4-8 ang UP habang nalasap ng NU ang ikaanim na sunod na kabiguan para mahulog sa parehong 4-8 baraha.

Magkakaroon ng isang linggong pahinga ang UAAP upang bigyang daan ang pagdiriwang ng Undas.  Magbabalik aksiyon ang liga sa Nobyembre 5 sa Big Dome tampok ang bakbakan ng UE at NU sa alas-12 ng tanghali at ng La Salle at Ateneo sa alas-4.

DLSU 95 – Mbala 26, Teng 20, Torres 11, Melecio 9, Perkins 7, Tratter 6, Rivero R 5, Rivero P 5, Sargent 4, Baltazar 2, Montalbo 0.

UE 66 – Pasaol 17, Bartolome 9, Derige 9, Batiller 8, Abanto 6, Varilla 5, Charcos 4, Gagate 4, Manalang 2, Olayon 2, Palma 0.

Quarterscores: 24-15, 37-27, 70-48, 95-66.

vuukle comment

RED WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with