^

Pang Movies

Adik kasi sa tulog, aktres ayaw nang bigyan ng trabaho ng mga produ

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sakit ng ulo ang hatid ng isang aktres sa pelikulang ginagawa. Bida kasi siya kaya nag-a-attitude kapag dumarating sa shooting. Bukod sa hindi pa nakaayos ang aktres, hindi agad siya nagtatrabaho. Magtataray pa na puyat at pagod siya kaya kaila­ngan niyang matulog muna.

Pero hindi power nap ang tulog ng aktres. Tulog talaga na inaabot ng anim na oras bago magising, huh!

Walang magawa ang pobreng staff at crew pati na director. Gusto rin kasi nilang matapos na ang movie kaya pinagbibigyan ang pasaway na ugali ng aktres, huh!

Siyempre, kumalat ang pagiging sakit sa ulo ng aktres. Kaya gusto man siyang bigyan ng project ng ilang producers, agad siyang binabaril kapag may nagsasabing ang aktres ang bagay sa role, huh!

Alfred niluhuran uli ang misis!

Nagpaalam si Congressman Alfred Vargas sa kanyang constituents sa Fifth District ng Quezon City bago niya tanggapin ang movie na Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa na ipapasok niya sa Cinemalaya 2017.

Bilang paghahanda, nagbawas ng timbang si Alfred at bumalik muli ang pagiging guwaping niya sa thanksgiving lunch with the press sa Ka Tunying’s Café kahapon kasama ang director ng movie na si Perry Escano.

Sa November sisimulan ni Cong. Alfred ang shooting ng movie. Nagustuhan niya ang script nito kaya naman tinanggap niya ang alok.

“The only reason why I accepted this project is maganda ‘yung script. Ang dami ko nang ginagawa, I don’t wanna waste my time doing project na hindi naman worthy. So kung meron man akong free time, so gagawin ko na ‘yon para sa makabuluhang proyekto,” rason ni Cong. Alfred.

Pagdating sa paggawa ng series sa TV, ipinagpaalam din ng actor-turned politician ang paggawa nito kahit once a year. Hindi na raw puwedeng dagdagan pa ‘yon.

Mabuti naman at nagbawas siya ng timbang ngayon.

“Nakaka-miss na rin kasing maging in shape eh. Siguro one month pa up to five weeks, I’ll be back in shape. Puwede na tayong mag-pictorial uli (ng sexy)! Joke! Ha! Ha! Ha!” biro niya.

Graduate na raw siya sa sexy pictorials. “Dati, ang award ko, pinakamagandang katawan. Nga­yon, pinakamahusay na kinatawan! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Cong. Alfred.

Sa edad na 37, maraming nais ipagpasalamat ni Cong. Alfred, sa asawang si Yasmine na plano niyang pakasalan uli next year sa simbahan, ang dalawang daughters at ang maayos na career bilang public servant.

Nitong July nag-propose sa pangalawang pagkakataon si Alfred kay Yasmine. Isang civil wedding ang naganap sa kanila noong 2010 at July 2017 din gaganapin ang kanilang church wedding.

Si Alfred ang Vice Chairman ng Committee on Appropriations sa Congress.

Jake subsob sa trabaho para makalimot

Huling humarap sa press si Jake Cuenca kaugnay ng promotions ng indie movie niyang Mulat. Walang napag-usapan tungkol sa kanyang lovelife.

Eh sa nasagap naming tsika kahapon, aba, hiwalay na naman daw si Jake sa kanyang model-girlfriend na si Sara Grace Kelley, huh! Walang detalye sa nagbigay sa amin ng impormasyon.

Kaya naman pala subsob sa trabaho ng aktor ngayon. Dalawa ang movies niya sa Regal, ang Mano Po 7: Chinoy at Never Been Kissed Never Been Touched. Tapos na siya sa shooting ng MP7 at one day na lang sa NBKNBT na si Angeline Quinto ang kapareha.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with