^

Pang Movies

Alfred apat na taon nang pahinga sa pelikula!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ikinatutuwa naman ni Quezon City 5th District Congressman Alfred Vargas na sa kanyang distrito ay nabawasan na ang mga drug addict dahil na rin sa nagaganap na malawakang war against drugs ng ating gobyerno.

“Marami nang sumuko,” pahayag ni Cong. Alfred nang makatsikahan namin kahapon sa kanyang thanksgiving lunch for the entertainment press.

“And ngayon du’n sa mga sumuko, kasi we have to go beyond the suko, eh. Kaya kailangang isipin mo kung ano ang mangyayari after.

“So, ngayon, I’m talking to the barangay captains (regarding) rehab (rehabilitation) and livelihood,” pahayag ni Cong. Alfred.

Dagdag pa niya, ikinatutuwa niya na dahil nga sa peace and order campaign ng gobyerno, may evident change naman daw na nangyayari at nararamdaman partikular na nga sa kanyang distrito.

“Nabawasan ‘yung siga, nabawasan ‘yung gulo, nabawasan ang krimen,” he said.

Ayon kay Alfred ay willing naman daw siyang tumulong sa mga artista into drugs kung kailangan nito ng tulong.

“Kung mayroon tayong artista na kailangan ng tulong, my office is open, tutulungan natin na ma-rehab and everything.”

Sa pagkakahuli kay Mark Anthony Fernandez kamakailan, ayon kay Cong. Alfred ay ikinalungkot niya raw talaga ito dahil kaibigan niya raw ang aktor.

“Nagkasama kami sa Adarna at sa Impostora, halos pareho kami ng edad. Nalungkot ako kasi sayang kasi talented siya saka maraming umiidolo sa kanya and I know him personally, mabait si Mark. Mabait na tao si Mark.

“And sana, mabigyan lang siya ng second chance,” he said.

Samantala, matapos manalo for his second term bilang Congressman ng 5th District ng QC last May elections ay ngayon lang daw siya nakapagpasalamat sa entertainment press na for the longest time ay laging tumutulong sa kanya.

Sobrang nami-miss na rin daw niya ang kanyang passion which is acting dahil four years na rin daw siyang hindi nakakagawa ng project. Separados pa raw ang huli niyang pelikula.

He informed us na ngayon ay balik-acting siya dahil tumanggap siya ng indie film na intended for Cinemalaya Independent Film Festival next year.

“A few months ago, nakatanggap ako ng script sa office through a common friend. So, nagpadala ng script si direk Perry Escano. It’s a Cinemalaya entry for 2017.

“Nang mabasa ko ang script, it’s about a farmer in Mindanao who does not know how to read but pretends to be a teacher para lang mapigilan ang mga bata sa town nila na ma-recruit as child warriors.

“So, ang ganda ng premise, ang ganda ng plot, exciting, and I think, kung gagawa man ako ng isang project after 4 years, eto na ‘yun,’ sey ni Alfred.

Ngayong November na raw sila magsisimula ng shooting and it’s entitled Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa.

Nagpaalam daw siya sa kanyang constituents para gawin ang movie na siyang lagi naman niyang ginagawa eversince na pumasok siya sa politika.

Bagama’t full-time public servant na siya, ayon pa kay Alfred, ang pag-arte ay hindi pa rin niya i­sasan­­tabi for good. Okay na raw sa kanya ang makagawa ng one movie and one TV show a year.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with