^

Pang Movies

Mga mamahaling sasakyan palihim na ibinebenta Aktres niloloko ng anak!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Shocking ang balita na ibinenta ng anak ng aktres ang lahat ng mga sasakyan nito na lingid sa kaalaman niya.

Palaisipan sa concerned friends ng aktres kung paano ‘yon nagawa ng “anak-anakan niya” dahil nakapangalan sa kanya ang mga expensive car.

Anak-anakan dahil adopted lamang ng aktres ang anak pero itinuring niya na kadugo.

Maraming pinagdaraanan sa kasaluku­yan ang aktres kaya karagdagan na pasakit sa kanya ang panlilinlang na ginawa ng “anak” niya.

KC sasabak na host ng Miss Earth, kapatid contestant

Imposibleng hindi kabahan si KC Concepcion sa October 29 dahil siya ang naimbitahan para maging host ng coronation night ng Miss Earth 2016.

May reason para nerbyosin si KC dahil official candidate sa Miss Earth 2016 ang kanyang half-sister na si Cloie Skarne.

Bet na bet pa naman ni KC na mag-win si Cloie na representative ng Sweden sa Miss Earth 2016. Malaki ang contribution ni KC sa paghahanda ni Cloie sa pagsali nito sa Miss Universe Sweden noong August at sa Miss Earth 2016.

May kinalaman si KC at ang kanyang tatay na si Gabby Concepcion kaya pinagkakaguluhan ng fans si Cloie sa mga lugar na pinupuntahan ng Miss Earth 2016 candidates.

Well-publicized na anak ni Gabby at kapatid ni KC si Cloie kaya marami ang nagpapakuha ng litrato na kasama siya.

I’m sure, enjoy na enjoy si Cloie sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga Pinoy dahil ordinary girl lamang siya sa Sweden.

Alfred pinapayuhang gayahin ang diet ni AiAi

Thirty-seven years old na si Congressman Alfred Vargas sa Lunes, October 24.

Tanggap ni Alfred na hindi na siya bumabata kaya effort para sa kanya ang magpapayat. Hindi kagaya noong bagets pa siya na napakadali na magbawas ng timbang.

May mga nagpayo kay Alfred na gayahin si AiAi delas Alas na talagang pumayat dahil mga organic food lamang ang kinakain.

Ewan ko lang kung makakaya ni Alfred ang disiplina ni AiAi na nagdadala ng sariling pagkain kahit nasa ibang bansa para mapanindigan ang pagkain niya ng organic food.

Kesehodang nasa abroad siya, nagluluto si AiAi ng organic food at bitbit pa niya ang organic ingre­dients na kailangan.

Nagbunga naman ang pagdurusa at matinding disiplina ni AiAi dahil 119 pounds na lamang siya. Magaan din ang pakiramdam niya at hindi na raw siya nagkakaroon ng sakit.

Rocco at Glaiza pareho ang kapalaran ng puso

Hindi nagkakalayo ang love story ng Encantadia stars na sina Rocco Nacino at Glaiza de Castro.

Buhat nang mag-break sila ni Lovi Poe, never na nakita o nakausap siya ni Rocco at ganito rin ang sitwasyon nina Glaiza at Benjamin Alves.

Mula raw nang huminto si Benjamin sa panunuyo kay Glaiza, hindi na rin nagkausap at nagkita ang dalawa.

Nabalitaan ni Glaiza na si Julie Anne San Jose ang bagong nililigawan ni Benjamin. Ang sey niya, happy siya para sa dala­wa.

Noong panahon na pinopormahan ni Benjamin si Glaiza, lumitaw ang balita na nililigawan din ni Benjamin si Kylie Padilla at hindi ito idinenay ng anak ni Robin Padilla.

 

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with