^

Pang Movies

Hiwalayan nina Elmo at Janine eklay lang?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Hiwalayan nina Elmo at Janine eklay lang?!
Elmo Magalona at Janine Gu­tierrez

Uy makatulong kaya sa career ni Elmo Magalona ang balitang pag-amin ni Janine Gu­tierrez na hiwalay na sila?

May ibang nakakaamoy kasi na parang timing naman daw ang hiwalayan ng dalawa. Baka raw naman pinu-push lang para kagatin ang tambalan nina Elmo and Janella Salvador?

At ang nakikita raw na next scene sa hiwalayang Elmo at Janine, si Elmo na ang escort ni Janella sa Star Magic Ball na gaganapin ngayong Sabado. Hahaha.

Kaya may ilang duda na baka raw ganun lang ang scenario. Eklay lang as in kunya-kunyarian lang para matanggal na ang koneksiyon ng dalawa at magkanya-kanya muna

Alang-alang sa career? Hahaha. Bahala sila.

Kim Chiu willing nang balikan si Gerald!

Ay nag-iba na ang statement ni Kim Chiu sa isyung magkakasama uli sila ni Gerald Anderson sa isang serye na originally ay si Yen Santos ang leading lady.

Sabi niya sa interview sa ABS-CBN, “Trabaho is trabaho. Kung ano ang ibigay ng management sa amin, ‘yun iyon. Professionalism.”

Nauna nang nabalita na mas pinaboran siya para palitan si Yen Santos sa serye na Because You Love Me kung saan tapon daw ang mga naunang nakunang episodes sa Mindoro. “Open naman kami kasi hindi naman na kami teenagers.  Ang dami na kasi ngayong mga teen love teams. Nasa mid-twenties na kami, so huwag na tayong makisali roon,” pahayag ng Kapamilya actress na sinasabing karelasyon naman ng ka-loveteam niyang si Xian Lim.

Walang project ang KimXi sa kasalukuyan dahil mas gusto nga raw i-push ang career nina Kim at Gerald na sinasabi namang nakabalikan ni Bea Alonzo.

vuukle comment

JANINE GU­TIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with