^

PSN Showbiz

Dahil kay Janella? Elmo at Janine natuloy na ang hiwalayan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Dahil kay Janella? Elmo at Janine natuloy na ang hiwalayan!
Elmo Magalona at Janine Gutierrez

Nang mabuwag ang loveteam nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa bakuran ng Kapuso Network dahil nagdesisyon ang una na lumipat ng Kapamilya Network noong isang taon, may mga nagsabi na malamang na tuluyang magkahiwalay ang dalawa dahil nakatakda silang ipareha sa iba. But they proved their detractors wrong nang magpatuloy pa rin ang kanilang relasyon nang ipinareha si Elmo sa Kapamilya talent na si Janella Salvador sa nagtapos na seryeng Born for You.

Just when everybody thought na smooth sailing pa rin ang relasyon nina Elmo at Janine sa kabila na sila’y nasa magkalabang TV network, biglang bumulaga ang balita na hiwalay na umano ang dalawa.

Sina Elmo at Janine ay naging item nang sila’y magkasama sa TV remake ng Villa Quintana noong 2013 and the following year ay saka sila umamin sa kanilang relasyon.

Tumagal din sila ng dalawang taon.

Si Janella kaya ang dahilan ng break-up nina Elmo at Janine?

Marami ang nag-i-expect na sina Elmo at Janella ang magka-date sa Star Magic Ball sa darating na Sabado ng gabi, October 22. First time rin ito ni Elmo na makadalo sa taunang ball ng ta­lent management arm ng ABS-CBN.

Baes ng EB malapit nang husgahan

Hanggang Oktubre 21 (Biyer­nes) na lamang mapapanood ang morning TV series na Calle Siete na pre-programming ng Eat Bulaga. Produced din ito ng TAPE, Inc. na siyang producer ng Eat Bulaga.

Simula naman sa Lunes, October 24 ay may bagong serye na mapapanood kapalit nito, ang Trops na tatampukan ng mga Baes ng Eat Bulaga na sina Kenneth Medrano, Kim Last, Tommy Penaflor, John Timmons, Miggy Tolentino, Joel Palencia kasama sina Benjie Paras, Ina Raymundo, Irma Adlawan, at ang French-Japanese-Pinay talent na si Taki. Ito’y pinamamahalaan ng baguhang director na si Linnet Zurbano, dating assistant director ni Direk Mike Tuviera.

Ang akala nga noon ng marami, ito ang magiging time slot ng bagong show sa GMA ng Queen of All Media na si Kris Aquino pero hindi pala.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with