^

PSN Palaro

Dolphins humihinga pa sa NAASCU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilunod ng Philippine Christian University ang Enderun College, 76-71 upang maipuwersa ang do-or-die para sa semifinal slot sa 16th NAASCU men’s basketball tournament kahapon sa RTU gym sa Mandaluyong City.

Pag-aagawan ng Dolphins at Titans ang tiket sa Final Four sa Lunes sa Makati Coliseum.

Nagpasabog ang Dolphins ng anim na sunod na puntos mula kina Mike Ayonayon at Decter Mescallado sa huling isang minuto ng laro upang dalhin ang kanilang tropa sa panalo.

Hawak ng Enderun ang 71-70 kalamangan tampok ang isang three-point shot ni Michael de la Cruz. 

Subalit isang matikas na layup ang ibinigay ni Ayonayon kasunod ang dalawang krusyal na free throws mula kay Mescallado tungo sa 74-71 bentahe ng Dolphins, may walong segundo pa ang nalalabi.

Nagmintis si De la Cruz sa potensiyal na game-tying three-pointer habang naisalpak ni Ayonayon  ang dalawa pang charities para tuluyang tuldukan ang paghahabol ng Titans.

Nanguna si Ayonayon sa panig ng Dolphins nang tumipa ito ng kabuuang 26 puntos.

May dalawang puntos lamang si Mescallado su­balit malaki ang naitulong nito upang samahan sina Brent Palattao at JR Yasa sa pagpigil kay 6-foot-8 Cameroonian recruit  ng Titans na si Collins Wabno at 6-foot-4 Fil-Am Josh Grilli.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with