^

PSN Palaro

Mainit ang simula ng Laoag Spikers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magarbong sinimulan ng Laoag Power Smashers ang kampanya nito matapos lunurin ang Philippine Coast Guard, 25-8, 25-15, 25-16 para sa maagang liderato sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Palung-palo si National University standout Jorelle Singh nang humataw ito ng 17 puntos mula sa 13 attacks, tatlong aces at isang block habang malakas na suporta ang ibinigay ni two-time NCAA MVP Grethcel Soltones na rumatsada na­man ng 13 hits.

“I’m happy to win my first game with Laoag and I hope we can keep it up,” turan ni Soltones na siya ring itinanghal na MVP sa Open Conference noong naglalaro pa ito para sa Bali Pure Water Defenders.

Maganda rin ang distribusyon ng bola sa kanya ng Power Smashers nang mag-ambag ng tig-pitong puntos sina Jovelyn Prado at Joyce Sta. Rita gayundin ng lima mula kay Kath Magsumbol.

Nakakuha ng kabuuang 39 attacks ang Power Sma­shers laban sa 13 lamang ng Coast Guard.

Kumuha rin ang Laoag ng 11 aces mula sa maasim ding reception ng Dolphins.

May 14 excellent sets si Chie Saet habang umani ng 14 digs si Eunice Galang sa hanay ng Power Smashers.

Nagtala si Hazel Mea ng anim na puntos habang apat naman ang galing kay Lalyn Garcia para sa Coast Guard.

Tila nangangapa pa ang Coast Guard na nagtala ng 20 errors. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with