^

PSN Palaro

Katatagan itataya ng La Salle vs Ateneo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling magkukrus ng landas ang mortal na magkaribal na La Salle U at Ateneo ngayong araw sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maghaharap ang Green Archers at Blue Eagles sa alas-4 ng hapon habang magtutuos naman ang University of the East at Adamson University sa hiwalay na laro sa alas-12 ng tanghali.

Hiwalay ding ibebenta ang tiket ng dalawang laro.

Pupunuin ng La Salle at Ateneo ang MOA Arena ng mga itim na bagay bilang protesta sa extra judicial kil­lings at pagpayag ng admi­nistrasyong Rodrigo Duterte na ilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pa­ngulong Ferdinand Marcos.

Gayunpaman, naka­sentro ang atensiyon sa La Salle na nagnanais makumpleto ang first-round sweep sa kabila ng pagkawala ni head coach Aldin Ayo na napatawan ng isang-larong suspensiyon.

Kasalukuyang hawak ng Green Archers ang so­long liderato bitbit ang imakuladang 6-0 rekord.

Hindi maikakaila na isa si Ben Mbala sa dahilan ng kanilang tinatamasang tagumpay.

Malakas na puwersa ang nanggagaling sa Ca­meroonian center na may averages na 19.50 points, 16.83 rebounds at 2.33 blocks kada laro.

Subalit malaki rin ang kontribusyon ng iba pang miyembro partikular na ang graduating na si Jeron Teng na may sariling 16.33 average points. Nakakatulong din sina Kib Montalbo, Thomas Torres, Abu Tratter, Aljun Melecio, Paolo Rivero at Justine Baltazar.

Masusubukan ang tikas ng Green Archers na lala­r­gang wala si Ayo.

Umapela ang La Salle sa suspensiyon ni Ayo ngunit bigo itong makuha ang basbas ng UAAP ma­nagement committee.

Posible ring hindi maka­paglalaro si Teng dahil nagpapagaling ito sa kanyang injury sa kaliwang sakong

Kaya naman sasamantalahin ng Ateneo ang ma­laking dagok na dumapo sa La Salle.

Kinakailangan lamang ng Blue Eagles ng solidong laro mula kina Thirdy Ravena at Chibueze Ikeh na siyang pangunahing sinasandalan ng tropa.

May 4-2 baraha ang Ateneo kabilang ang kanilang 79-64 pananaig sa kanilang huling laro.

Aariba rin para sa Eagles sina Mike Nieto, Manuel Tolentino, Antonio Asistio at John Adrian Wong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with