^

PSN Palaro

4-tanso pa sa Pinas sa Asian Beach Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagal ang koleksiyon ng medalya ng Pilipinas matapos magkasya sa apat na tansong medalya sa pagpapatuloy ng 5th Asian Beach Games na ginaganap sa Danang, Vietnam.

Nag-ambag ng tatlong tansong medalya ang Pinoy athletes sa pencak silat at isang tanso naman ang galing sa athletics.

Subalit hindi ito sapat upang paangatin ang bansa sa medal standings.

Kasalukuyang nasa ika-12 ang Pilipinas tangan ang dalawang ginto, isang pilak at 14 tanso.

Nagkasya sa tanso sina Pencak Silat fighters Dines Dumaan (men’s 45-50 kg.), Rick-Rod Ortega (men’s 55-60 kg.) at Clyde Joy Baria (women’s 55-60 kg.) matapos matalo sa kani-kanilang semifinal matches.

Yumuko si Dumaan kay Nguyen Than Tri ng Vietnam (0-5) habang tumupi naman si Ortega kay Nguyen Ngoc Toan ng Vietnam (0-5) gayundin si Baria kay Che Omar Siti Zubaidah ng Malaysia, (0-5).

Magtatangka pang humirit ng gintong medalya sina Jaciren Abad at Princesslyn Enopia na umusad sa finals ng kani-kanilang dibisyon.

Nakasiguro rin ng tanso si dating Palarong Pambansa standout Mark Harry sa men’s triple jump kung saan nakuha nito ang 15.72 metro sa kanyang ikaapat na paglundag.

Nangunguna pa rin ang Vietnam na may 34-27-36 kasunod ang Thailand (27-20-25), China (10-14-16), Iran (5-2-3), Jordan (4-4-5), UAE (4-2-3), Cambodia (4-1-7), Qatar (3-0-1) at Mongolia (2-4-5).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with