^

PSN Palaro

Simula na ang paluan sa SVL Reinforced Conference

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Philsports Arena)

4pm Coast Guard vs Laoag

6pm Air Force vs UST

 

MANILA, Philippines - Muling aarangkada ang paluan ng pinakamatitikas na spikers sa bansa sa pagsisimula ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference nga­yong hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Unang kakaliskisan ang Laoag Power Smashers at nagbabalik-aksiyong Philippine Coast Guard sa alas-4 na susundan ng duwelo ng Open Conference runner-up Philippine Air Force at University of Santo Tomas sa alas-6.

Malaking kawalan si Mylene Paat sa lineup ng Laoag na siyang top scorer ng koponan sa nakalipas na Open Conference.

Subalit mapupunan ang nabakanteng puwes­to nito sa pagpasok ni two-time NCAA at Open Conference MVP Grethcel Soltones kasama pa sina Jorelle Singh at Aiko Urdas na miyembro ng National University na nagkampeon sa Collegiate Conference.

Nariyan din ang many-time UAAP Best Setter awardee na si Chie Saet kasama sina Jessica Ga­lanza, Jovelyn Prado, Joyce Sta. Rita, Wenneth Eulalio at Katherine Villegas.

“The players of Team Laoag are seasoned pla­yers so jelling won’t be much of a problem,” ani Laoag mentor Nes Pamilar.

Ang Coast Guard naman ay babanderahan nina Melissa Ogana, Shellane Eniong, Maureen Loren at Hazel Mea.

Solido pa rin ang Air Force tampok sina Mary Ann Pantino, Judy Ann Caballejo, Jocemer Tapic, Mae Antipuesto, Joy Ca­ses at Wendy Ann Semana gayundin ang 6-foot-1 na si Dell Palomata.

“Lahat ng teams this conference competitive, walang mahina, puro ma­lakas at naghanda lahat so walang pwedeng i-underestimate,” sambit ni Air Force coach Jasper Jimenez.

Gagamitin naman ng UST ang torneo bilang paghahanda sa UAAP Season 79 na magsisimula sa unang bahagi ng 2017.

Mamanduhan ang Tig­resses nina EJ Laure at Cherry Ann Rondina na tunay na nakakuha ng malalim na karanasan sa kanilang kampanya sa Philippine Superliga.

Bahagi ito ng Foton na nagtapos bilang runner-up sa PSL All-Filipino Confe­rence habang kasama rin ang dalawa sa tropang sumabak sa Asian Wo­men’s Club Championship na ginanap sa Biñan, Laguna.

Masisilayan na rin si Pamela Lastimosa na ga­ling sa ACL injury. Kasama rin sina Chloe Cortez, Alex Cabanos, Christine Francisco at Shannen Palec.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with