^

PSN Palaro

Ayo suspindido sa La Salle-Ateneo game

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi masisilayan si Green Archers mentor Aldin Ayo sa La Salle-Ateneo game matapos patawan ng ejection sa kanilang huling laro sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament noong Miyerkules.

Base sa patakaran ng UAAP, ang isang ejection ay katumbas ng awtomatikong isang larong suspensiyon.

Nag-ugat ang ejection nang hindi napigilan ni Ayo ang kanyang pagkadismaya sa officiating kung saan kinuha nito ang salamin ni assistant coach Siot Tanquincen at pilit na ipinasusuot kay referee Eric Viray matapos hindi tawagan ng foul si Will Bartolome ng University of the East na animo’y sinakyan si La Salle guard Thomas Torres sa huling bahagi ng second quarter.

Sa kabila ng ejection ni Ayo, nagawa pa ring malusutan ng La Salle ang UE, 84-78 upang manatiling malinis ang kanilang rekord at kapitan ang solong liderato tangan ang 6-0 baraha.

Posibleng umapela ang La Salle upang makabalik si Ayo sa kanyang unang La Salle-Ateneo game sa UAAP.

Tikom na ang bibig ni Ayo sa naturang isyu.

Nakatakda ang La Salle-Ateneo game sa Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with