Sa Shakey’s V-League Reinforced Conference: Valdez-Gumabao rivalry sisiklab
MANILA, Philippines – Bukod sa mga imports, inaasahan ding magdomina sina Michelle Gumabao ng Pocari Sweat at Alyssa Valdez ng Customs sa darating na Shakey’s V-League Reinforced Conference.
Si Gumabao ay nanatili sa Pocari Sweat habang si Valdez ay mangunguna sa bagong koponan sa Shakey’s Season 13 na sisikad sa Sabado sa Philsports Arena sa Pasig City.
Kung matatandaan, si Gumabao ang nanguna sa kanilang panalo sa Open Conference kung saan diniskaril nila ang Air Force.
Ngunit ngayon, lahat ng pitong koponan ay haharangin ang kanilang pangarap sa season-ending conference.
Ang ibang koponan na hahadlang sa kanilang title-bid ay ang Bureau of Customs, Air Force, Coast Guard, Team Laoag, University of the Philippines, University of Santo Tomas at Bali Pure.
“This being a single-round elims, each game is crucial, thus guaranteeing fierce action from the opening serve,” sabi ni Ricky Palou, presidente ng nag-oorganisang Sports Vision.
Pagkaraan ng elimination round, ang top four teams ay aabante sa semifinals. Maghaharap ang No. 1 kontra No. 4 at No. 3 laban sa No. 2. Ang mananalo ay maghaharap sa Finals sa best-of-three series.
Bukod kay Gumabao at Valdez ang iba pang aasahan sa torneo ay sina dating league MVP Suzanne Roces ng Bali Pure, FEU’s Wendy Semana ng Air Force, Kathy Bersola, Ennajie Laure at Hazel Mea.
Ang import naman na magiging back-up nila ay sina Americans Andrea Kay Kacsits at Breanna Lee Mackie kasama sina Open Conference MVP Myla Pablo, Desiree Dadang, Melissa Gohing, Elaine Kasilag, Maricar Nepomuceno at Gyzel Sy.
- Latest