La Salle, Ateneo magkabuntot na
MANILA, Philippines – Nilusutan ng La Salle Green Archers ang University of the East Warriors, 84-78, bagama’t napatalsik si coach Aldin Ayo sa secod period sa UAAP men’s basketball tournament sa MOA Arena kagabi.
Nakatakdang labanan ng Green Archers ang karibal na Ateneo Blue Eagles sa Linggo kung saan hindi uupo sa bench si Ayo.
Sinibak si Ayo sa huling 1:12 minuto sa second quarter matapos habulin at subukang ipasuot ang eyeglass ni assistant coach Siot Tanquingcen kay referee Eric Viray dahil sa isang non-call.
“It was tough that Coach Aldin was thrown out of the game due to unlikely circumstances. But during the crisis of the game, we just stuck together and followed the system and with God’s blessing we’re able to get the win,” ani Prince Rivero, nakipagtambal kay Andrei Caracut para takasan ang paghahabol ng UE.
Humugot si Rivero ng anim sa kanyang 11 points sa final canto, habang iniskor ni Caracut ang lahat ng kanyang 9 markers para ibigay sa Green Archers ang 81-74 bentahe laban sa Red Warriors.
Nauna rito, nagmistulang warm-up para sa Ateneo ang kanilang 79-64 panalo kontra University of the Philippines.
Sa kanilang ipinakita, parang ginamit nila ang laro kontra fighting Maroons sa darating na malaking laban ng Eagles sa karibal na Green Archers sa darating na linggo.
Dahil sa malaking panalo, nanatili ang Eagles sa ikalawang puwesto hawak ang 4-2 baraha sa likod ng nangungunang Archers na may malinis na 5-0 kartada.
Pinangunahan ni Thirdy Ravena ang Eagles sa fourth quarter para tuluyang lumayo at hindi na lumingon pa upang ibigay ang ika-limang talo ng Fighting Maroons sa anim na laro.
Tumapos si Ravena dala ang 22 puntos, 10 rebounds at three assists para sa Ateneo.
ADMU 79 - Ravena 22, Ikeh 14, Asistio 10, Nieto Mi. 7, Tolentino 7, Wong 6, Nieto Ma. 5, Verano 4, Babilonia 2, Porter 2, Go 0, Ildefonso 0.
UP 64 - Desiderio 25, Manuel 17, Lim 7, Moralde 6, Dario 4, Española 3, Prado 2, Harris 0, Webb 0, Asilum 0.
Quarterscores: 13-17, 38-29, 58-54, 79-64.
DLSU 84 - Mbala 19, Baltazar 14, P. Rivero 11, Montalbo 9, Caracut 9, Teng 7, Melecio 5, Torres 4, Go 4, Perkins 2, Tratter 0.
UE 78 - Pasaol 22, Batiller 13, Derige 8, Varilla 8, Manalang 7, Palma 7, Bartolome 4, de Leon 4, Penuela 4, Charcos 1, Abanto 0.
Quarterscores: 25-15, 44-30, 62-55, 84-78.
- Latest