^

PSN Palaro

Pacquiao, Donaire napagsama ni Arum sa isang boxing card

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinuturing sina Sen. Manny Pacquiao at Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr. bilang boxing icons ng Pilipinas.

Ilang beses pinilit ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na pagsamahin ang Filipino eight-division world champion na si Pacquiao at ang five-division titlist na si Donaire sa iisang boxing card.

Subalit hindi siya nagtagumpay.

Sa kanyang huling pagtatangka ay matagumpay na itong nagawa ng 84-anyos na promoter.

Magkakasama sina Pacquiao at Donaire sa iisang boxing card sa Nobyembre 5 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Tatangkain ni Pacquiao (58-6-2, 38 KOs) na agawin kay Jessie Vargas (27-1-0, 10 KOs) ang suot nitong WBO welterweight crown, habang itataya ni Donaire (37-3-0, 24 KOs) ang kanyang hawak na WBO super bantamweight belt kontra kay Jessie Magdaleno (23-0-0, 17 KOs).

“I’ve been trying to put them together on the same card, (but) I ran into opposition from some of Manny’s people,” paliwanag ni Arum kahapon. “But finally, I was able to convince them.”

Inamin ni Donaire, tubong Talibon, Bohol, na matagal na niyang gustong makasama ang dating Congressman ng Sarangani sa iisang boxing event.

Umaasa si Arum na susuportahan ng Fil-Am community sa United States ang mga laban nina Pacquiao at Donaire sa Nobyembre 5.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with